Childhood friends noon, officially in a relationship na ngayon

Paano kung makita mong muli ang iyong childhood crush? Anong gagawin mo?

Sina Liam Paelmo at Argie Gregorio ay hindi na nagdalawang-isip pa. 16 taon mula nang huli silang magkita at nitong 2021 ay nagkitang muli.

Kung noon ay childhood friends sila, ngayon ay official couple na ang dalawa.

Sa panayam ng ‘Philippine Star’, mulang nagkaugnay ang dalawang magkababata nang makita ni Argie sa Facebook ang isang common friend kung saan makikita sa larawan na kasama nito si Liam.

Dahil matagal nawalan ng communication ang dalawa ay in-add ni Argie si Liam sa Facebook.

Ngunit hindi siya kaagad nakilala ni Liam. Kaya ang una nitong ginawa ay itinanong sa mutual friend nito kung sino ang babaeng nag-add sa kaniya.

Kalaunan ay in-accept na ito ni Liam nang mapag-alaman na kababata niya pala ito.

Ayon kay Liam, naghanap pa siya ng pagkakataon upang makausap si Argie. Hindi rin nagtagal at araw-araw na umano silang nag-uusap.

Unang nagkakilala ang dalawa noong 2006 sa 7th birthday ni Liam kung saan magka-partner silang dalawa sa cotillion.

Ilang buwan rin ang lumipas na nanligaw si Liam kay Argie at noong Oktubre 01, 2021 ay naging opisyal na ang relasyon ng dalawa.

Hindi umano pumasok sa isip ni Argie na ang kanyang kababata ang magiging boyfriend niya dahil sa dami ng kanyang pinagdaanan.

“Ang galing ni Lord kasi ang tagal talaga naming hindi nagkita for almost 16 years, tas nagpunta pa siya ng ibang bansa tapos ako naman nandito sa Philippines tapos after 16 years, ‘yung parang nag-meet ulit kami, hindi talaga namin inakala,” ani Argie.

Ngayong taon naman ay magse-celebrate ang couple ng kanilang first year anniversay.

Payo ni Argie sa taong gustong mahanap ang kanilang the one, “‘Yung mapapayo ko na lang talaga is ‘wag na lang magmadali kasi dadating din ‘yung time na ibibigay din talaga sa’yo ni Lord. Kasi once na nagmamadali ka, once na pinipilit mo, mas lalo kang masasaktan.”

“Kung napi-feel mo na ‘yung taong the one. ‘wag na mag-hesitate. Kung wala kang takot ibig sabihin sure ka sa taong ‘yun,” payo naman ni Liam.

Halina’t makikilig tayo sa kanila sa video na ibinahagi ng Philippine Star:

Post a Comment

Previous Post Next Post