Unang kagat balat lahat? Customer nagreklamo nang matanggap ang walang kalaman-laman na lechon

Tayong mga Pinoy isa sa mga pinapangarap natin ang magkaroon ng handang lechon, pero paano kung ang in-order mo para sa inyong okasyon ay kakaiba sa iyong inaasahan?

Viral sa social media ang isang netizen matapos maglabas ng sama ng loob nang matanggap ang kaniyang order na lechong baboy.

Ayon sa customer, bumili siya ng lechon sa isang online seller ngunit nadismaya siya nang makitang walang kalaman-laman at taba ang lechon.

 

Ayon kay Deserie Tuason na nagpost sa FB, nag-order umano siya ng lechon para i-pick up ng September 24 ngunit September 22 pa lamang daw ay maaari na umano itong kunin.

“Yung 5,999 mo na lechon ganito lang… Minessage kita ng 22 kung ready to pick up na ang lechon tapos ininit niyo lang pala ang lechon na binigay niyo sa amin ng 24. Ito lang talaga ang laman and sinabihan ka na walang taba ‘yung baboy! Edi wow!

Ngayon ko lang nalaman na wala palang taba ang baboy ahaha. Isang lechonan po ito sa sum ag. Yung binigay sa amin ay mangitim-ngitim na at kiniskisan lang. Hindi niyo ba binantayan yung lechon?!” saad nito sa kanyang caption ngunit deleted na rin sa FB ang naturang post.

Sinabi ni Deserie na laking gulat nila na tila ininit lang ang lechong baboy at nabulaga na lang ito nang nalaman na walang taba at laman ang lechon.

Nagpa-interview naman ang customer at kinuwento ang buong pangyayari.

Sa kabilang banda, umalma ang may-ari ng inakusahang ga-balat na lechon na si Linda Mendoza ng Lechon House sa Bacolod kaugnay na kanilang ibinigay sa customer.

Ayon sa DZRH, sinabi ni Mendoza na hindi nila dinaya ang customer dahil ang kasama sa order niya ay ang lechon at dalawa pang ulam — valenciana at spaghetti.

Sabi pa ng owner na normal lamang daw na manipis ang lechon dahil bisayang lechon umano ang in-order ni Deserie. Wala umanong naganap na pandaraya dahil ang binayaran ni Tuazon ay food package na may kasamang lechon, arroz valenciana at spaghetti.

Post a Comment

Previous Post Next Post