Ikakasal na sa susunod na linggo ang dating child star na si Serena Dalrymple na nag-retire sa show business mula pa noong 2004.
Inihayag sa social media ng 32-anyos na dalaga noong Setyembre 25, 2022 ang nalalapit nilang kasal ng kanyang kasintahang si Thomas Bredillet.
Sa kanyang post sa Instagram ay ibinahagi rin niya ang timeline ng kanilang love story.

“2018 – when we first met, also visited the Philippine and we went to Banff 2019 – our trip to Scotland and Paris 2020- we bought a home and moved from New York to New Hampshire! 2021 – we got engaged 2022 – we are getting married next week!!!” saad ng dating aktres.
Sa comments section ay nagpaabot ng pagbati ang ilan sa mga kasamahan noon ni Serena sa Kapamilya network na sina Shaina Magdayao, Rica Peralejo, G Tongi, at John Prats.
“Awwwwwww. Congratulations, bes ,” – shaina_magdayao
“Congratulations guys!,” – johnprats

Bagamat 2004 siya nagpahinga mula sa showbiz, matatandaang dalawang beses din siyang bumalik sumandali para gumanap sa 2008 film na ‘ Ang Tanging Ina Ninyong Lahat’ at noong 2010 para naman sa ‘Ang Tanging Ina Mo’.
Marami ring nakuhang pagkilala ang dating child star lalo na sa pelikulang “Bata, bata … Paano Ka Ginawa?” kasama sina Carlo Aquino at ang beteranang aktres na si Vilma Santos.
Basahin: Serena on finding love through dating app: ‘Who knew I’ll end up marrying this dude?’
Matatandaang sinabi ni Serena na nag-meet sila ng kanyang fiancé pamamagitan ng isang dating app.
“Four years ago today, I went out on a date to meet this French dude I matched on Bumble. Who knew that I’ll end up marrying this handsome, smart, sweet (now) American dude this year?” aniya sa kanyang post.
July noong nakaraang taon nang unang mag-post si Serena ng larawan na nakasuot ng tila engagement ring habang hinahalikan ang kanyang nobyo.
Basahin: Fans delighted to see former 90s child stars Serena, Carlo reunite
Sumikat si Serena noong 1990s matapos lumabas sa isang commercial para sa isang fast-food chain.
Huli siyang napanood sa big screen noong 2010 bilang teen daughter ni Ai Ai delas Alas sa isang sequel ng “Tanging Ina”.
Nagtapos naman siya ng Bachelor of Arts degree in Business Administration mula sa De La Salle-College of St. Benilde noong 2011.
Noong 2014, nakuha niya ang kanyang Master’s degree sa International Business mula sa Hult International Business School sa London.
