Masipag na Grade 11 taho vendor sa Cavite lalong hinangaan dahil consistent honor student pala

Masipag na, consistent honor student pala siya!

Salamat sa isang netizen na si Jhap Tarog na naging daluyan ng blessings sa isang masikap na mag-aaral na nagtitinda ng taho habang papasok sa eskwelahan sa Tanza, Cavite.

Labis lamang daw siyang humanga nang makita niya ang estudyante na nakaunipome pa habang nagtitinda ng taho.

“Sobrang nakakahanga ang bata na to (emojis) Pinagsasabay ang pagtitinda at pag aaral. Laban lang sa Buhay. darating din Ang araw na magtatagumpay ka sa buhay (heart emojis) ito Yung dapat tinutularan na Kabataan,” caption niya sa video na kanyang ibinahagi na hindi niya inasahang magva-viral.

Fast forward sa kasalukuyan, bumuhos ang mga tulong para sa ehemplo ng kasipagan na kabataan na si Gopi o Gurprit Paris D. Singh sa totoong buhay; labing-anim na taong gulang at Grade 11 sa kanyang pinapasukang paaralan. Sa Cebu City siya isinilang ngunit nakatira ngayon sa Tanza, Cavite kasama ng kanyang ina.

Sino ba naman ang hindi mamamangha sa mga surpresang tulong na natanggap niya matapos malaman ng marami ang kuwento kaugnay sa kanyang pagtitinda ng taho?

Labis ang pasasalamat ni Gopi sa mga taong naghatid ng kaalwanan sa kaniyang paghahanapbuhay habang nagsisikap siyang marating ang pangarap niyang maging future civil engineer.

 

Ipinahayag niya ang kanyang pangako at pasasalamat sa isang Facebook post  matapos makatanggap ng tulong mula sa mga taong hindi niya kakilala, “Thank you so much to all of you!!! Greatly appreciated and I am forever grateful for the huge help that you all have been giving to me including other donations online, and even the support from my parents, friends/schoolmates, mga kakilala ko, and school staff. I will make sure to make good use of this continuous help and support, successfully becoming a civil engineer is part of it too! Once again, thank you!”

Basahin: Estudyante sa Cavite, nagtitinda ng taho habang patungo sa paaralan at kada breaktime

Nakarating sa Kapuso Netwok ang kanyang kuwento

Natunghayan ng mas maraming tao ang nakabibilib na kuwento ng pagsisikap ni Gopi nang ma-feature siya sa 24-Oras ng GMA Network. Napag-alaman sa panayam sa kanyang ina at mga guro ang iba pang detalye sa masikap na mag-aaral.

 

Ang estudyante, na may lahing Indiano dahil ang kanyang tatay ay isang Indian National at ang nanay naman niya ay isang Filipina, ay sa Tanza National High School pala nag-aaral sa ilalim ng STEM, ayon sa kanyang guro.

Bilang estudyante na may mataas na pangarap, kailangan niyang maglaan ng quality time sa pag-aaral at alagaan din naman ang kanyang pangangatawan at kalusugan habang kumikita para makatulong sa kanilang gastusin. Bilang maagang pamasko ay nakatanggap siya ng e-bike na may sidecar mula sa mga may mabubuting pusong netizens.

Basahin: Pasan no more: ‘Taho kid’ ng Tanza, nakatanggap ng bagong E-bike with sidecar, grocery items atbp

Siya ay gumigising ng alas-4 ng madaling araw para kumuha ng kanyang panindang taho na ang arnibal naman at sago ay ang kanyang ina ang nag-aasikaso. Nagtitinda na siya habang patungo sa paaralan at doon ipinagpapatuloy ang pagbebenta kapag breaktime.

Masayang paglalahad niya, “Pati my teachers they buy from me. Parang suki ko na po sila.” Ang butihin nilang prinsipal naman daw ay binigyan siya ng permit na makapagbenta rin doon habang wala pang klase.

Kumikita daw siya ng P400-P600 kada araw at ibinibigay niya ito sa kanyang ina para sa kanilang mga gastusin.

Kuwento naman ng kanyang ina na si Maria Clarita Singh, kapag Sabado at Linggo ay hindi na niya pinagtitinda ang anak bilang rest day at upang maharap din nito ang mga assignment at maging balanse pa rin ang pag-aaral at pagtatrabaho nito.

Maging ang mga guro ni Gopi ay saludo rin pala sa kanyang kasipagan pagkat hindi rin nito pinababayaan ang pag-aaral. Patunay nga raw ang pagiging consistent honor student ng young taho vendor. Wow!

Para kay Gopi, ang kanyang pangarap ay makakaya niyang maabot sa pamamagitan ng pagsusumikap.

Tungkol sa kanyang pagtitinda ng taho, aniya, “Hindi po ako nahihiya kasi nga po there’s nothing wrong naman talaga sa ginagawa ko. It’s a moral job.”

Dahil sa natanggap na e-bike na may side car, hindi na siya mahihirapang magpasan at mas maraming oras na ang mailalaan niya sa kanyang pag-aaral. Malaking kabawasan naman sa kanilang alalahanin ang cash donation na ibinigay ng mga sponsors niya.

 

“Itong cash donation magagamit niya sa pangangailangan niya sa mga gastusin sa bahay at eskwela. Itong grocery item naman para sa kanilang mag-ina. Sa maliit na paraan man lang ay makatulong kami kay Gopi. Isa siyang huwarang anak at estudyante,” pagsasalaysay ni Renz Mateo; isa sa mga tumulong.

‘Ika nga ni Gopi, “Life is like  Math as there is always a solution to every problem. I only wish na sana yung mga taong going through hardships or problems in life will be able to find their solutions to solve their problems, and be happy including me.”

Mahihinuha naman sa mga binitawang pananalita ni Gopi na ito ay batang mahusay at may angking talino.

Tara na’t panoorin ang video na ibinahagi ng Kapuso Channel:

Post a Comment

Previous Post Next Post