Nagbigay-pugay ang pamilya Eigenmann kay Cherie Gil sa isang intimate gathering, halos isang buwan mula nang pumanaw ang beteranang aktres.
Nag-post ang kapatid ni Cherie na si Michael de Mesa sa publiko ng muling pagsasama-sama ng kanilang pamilya habang nagpahayag ng pagmamahal sa aktres sa kanyang Instagram page noong Setyembre 2.
Ang isa pa nilang kapatid na si Mark Gil, na ang tunay na pangalan ay Ralph Eigenmann, ay sumakabilang-buhay naman noong 2014 at kanila na ring ipinagdasal lalo’t nami-miss din nila ito.

“I know you were with us — smiling, crying, and laughing at the beautiful memories we shared of you with each other. We miss you so much! But in our grief, we smile knowing that you are hugging Ralph again,” sabi ni De Mesa. “We love you, Cherie!”
Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon ng pamilya ang mga anak ni Cherie na sina Raphael at Bianca, asawang si Rony Rogoff, at ang kanyang mga pamangkin — Andi Eigenmann, Gabby Eigenmann, Sid Lucero at Geoff Eigenmann.
Samantala, makikita si De Mesa sa tabi ng larawan ni Cherie katabi ng isang maliit na urn na naglalaman ng abo ng betaranang aktres.

Basahin: Cherie Gil’s family moved by outpour of love and support
Pumanaw si Cherie noong Agosto 5 matapos labanan ang sakit na endometrial cancer. Sinabi ng kanyang pamilya na hiniling umano ni Cherie na huwag ipaalam at gawing pribado ang nararamdaman mula sa publiko.
“Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who expressed their concern for Cherie during this difficult time,” ayon sa post ni Andi Eigenmann sa kanyang IG.

“It is with heartfelt sorrow that we announce that Cherie passed away peacefully in her sleep on August 5th, at 4:48 a.m. EST after a brave battle against cancer.”