Naging guest ng ‘The Interviewer” na si Boy Abunda ang boyfriend ni Andrea Brillantes na si Ricci Rivero, professional basketball player ng isang sikat na koponan, kamakailan.
Sa nasabing panayam, kabilang sa mga itinanong ni Tito Boy kay Ricci ay kung sa tingin niya ay si Andrea na ang “the one” para sa kanya at sinagot naman ito ng basketball star nang walang pag-aatubili.
“I think, tito Boy, yes,” sagot ni Ricci.

Binalikan din ni Tito Boy ‘yung panahon na nag-public proposal si Ricci kay Andrea. Bakit niya umano naisipang gawin iyun matapos ang isang mahalagang game nila?
Ipinaliwanag nito kung bakit niya naisipang hilingin kay Andrea na maging girlfriend ito noong oras ng kanyang UAAP basketball game months ago.
Ayon kay Ricci, isinapubliko niya ang proposal para maramdaman ni Andrea na espesyal siya at malaman rin nito kung gaano siya ka-proud na in love siya rito.

“Siguro sa akin, ‘yung gusto ko lang ding mapa-feel do’n sa tao na proud ka. Hindi naman mabigat pero sobra ‘yung mixed emotions ko nung time na ‘yon. Grabe ‘yung kaba and ‘yung excitement pero ang nangingibabaw lang talaga is buo na ‘yung loob ko na gagawin ko siya no matter what.”
Panoorin ang panayam via YouTube’s The Boy Abunda Talk Channel:
Naging mainit na usap-usapan noon ang dalawa sa isang Tiktok video ni Andrea na nakasuot ito ng jersey ni Ricci ng University of the Philippines Fighting Maroons kung saan sinurpresa siya ng matalik niyang kaibigan na si Darren Espanto ng mga libro.
Ibinahagi rin ni Andrea sa kanyang YouTube channel ang nasabing vid clip. Espesyal, ‘di ba?
Naganap noong Abril 9 ng gabi ang UAAP basketball game sa pagitan ng UP Maroons at FEU Tamaraws at ito rin ay nagmarka sa dalawa dahil may kakaibang kaganapan noong gabing iyon.

“Can I ask Blythe to be my girlfriend?” tanong ni Ricci habang may dalawang lalaki sa likod ni Andrea sa audience gallery na may hawak na T-shirts na may tatak na “YES” at “NO.”
Ibinahagi naman ito Andrea sa kaniyang Facebook wall kung saan suot na nito ang T-shirt na may tatak na ‘YES’ at may hawak pa itong bulaklak.
“First time kong manood ng UAAP di ko inaasahang magkaka- boyfriend pa ako, grabe naman ‘yun Lord! 04.09.22,” aniya.
Basahin: Andrea Brillantes, nag-Yes na kay Ricci Rivero; Xian Gaza may pasaring