Isang netizen na malapit nang magsilang ang nagbahagi ng kanyang saloobin sa pagiging solo parent nito. Ang kanyang baby ay kasalukuyang nasa tiyan pa lamang niya.
Hindi mapigilan ni Cris Ty na ma-excite dahil malapit na niyang isilang ang kanyang anak.
“Hello, Anak! I’m writing this as I finish getting our room ready for your arrival. You know I now hardly have time to sleep thinking you’re coming real soon! I really can’t wait any longer, Anaaaakk!!” aniya sa kanyang FB post.

“Marami nang masakit sakin pero pinush pa rin ni Mommy ‘to in the last minute because I want you to have a safe space with me. I want to be your safe space, Anak in this world full of toxicity.”
Kahit na single parent si Cris ay nagpakatatag pa rin siya at mas piniling mag-focus para sa ikabubuti ng kanyang anak.
“Sanay na ko mag-isa, but now that you’re coming meron na akong forever! Thank you, Anak! I hope you’re happy knowing that Mommy’s doing her best to make you feel that you are loved so dearly! Kung pwede lang i-add to cart lahat ng bagay, pag-iipunan ko ‘Nak, makabawi man lang sa mga pagkukulang na ‘di mo dapat nararanasan ngayon pa lang.”

“Sabi pa sa Lazada, ‘lahat ng hinahanap mo nasa Lazada yan. Pero tiningnan ko wala naman dun ‘yung need natin eh. Haha! So in reality, there are things that money can’t buy. There are things that maybe aren’t really meant for us, Anak. And I’m sorry for that. Pinapangarap lang kita noon, ngayong nandito ka na, hindi naman ito ‘yung buhay na gusto ko para sayo. This is not the way I want it to be, but I hope one day you will be able to understand the choices that I have to make for your welfare.”
Marami ding beses umano na natanong ni Cris sa kanyang sarili kung makakaya ba niyang mag-isa ang pagiging solo parent, ngunit sa kabila nito ay ginagawa naman daw niya ang kanyang best.

Ginagawa naman niya umano ang makakaya para maibigay ang pagmamahal na nararapat sa anak.
Ayon kay Cris, mas tumatatag siya sa bawat araw na mag-isa sa journey ng kanyang pagbubuntis.
“‘Di naman talaga ako nag iisa, meron akong Ikaw! And I want you to know that I will always be here for you, your Mom and your Dad. I can be both! We can make it together, Anak. Even if it’s just you and me.”
Nang ibahagi ni Cris ang kanyang saloobin at realizations sa Kami Ph, bumuhos ang suporta ng iba pang netizens na dumaan din umano sa ganoong kalagayan niya at napagtagumpayan ito.
“Anong journey mo as a single mom?” tanong ng Kami sa mga netizens.
Daan-danng netizens ang nagpahayag ng suporta sa pagiging solo parent ni Cris at karamihan ay naka-relate sa kanyang journey bilang solo parent din sa ilang anak at napagtagumpayan naman daw nila. Wow! Kahanga-hanga ang mga nagbahagi rin ng kanilang journey bilang solo parents.

“Big big big Virtual Hugs for you Mommy. Praying for the safe delivery,and to the journey of motherhood,(heart emojis), Times may not always be good and easy, But trust in your heart and being brave to face each day means a lot. Keep going. Keep smiling. eep working. Keep trusting. Keep praying.”
“single mom for 19 yrs.. struggle is real but I’m proud kinaya ko. Raising a 4 kids is not joke, ok Sana kung may 4 tatay din atleast apat din Ang pwedeng hingan 😁..kaso Isa lang waley pa hahaha! The hardest point Yung pag aralin mo pa ‘gang college.. it is a big big achievement for me”
“I have been in that situation 10 years ago. I couldn’t imagine pano ako nakasurvived. Jobless ako ng time na yan at walang kasavings savings. Napakahirap pero kinaya (emojis) Laban lang papabor din sau ang sitwasyon momsh. Now i am happily married sa lalaking tinanggap kami ng anak ko. Naniniwala talaga ako na may taong ilalaan sayo at mamahalin ka ng totoo. Mahigpit na yakap sa mga single mom dyan!”
Nagpasalamat naman ang expectant Mom sa lahat ng nagpahayag ng suporta at panalangin. Aniya, “Thank you Kami! Thank you so much EVERYONE for wishing me well and my Baby! It means so much to me po. I wish kaya kong replyan kayo isa isa.. I want you all to know po mas lalo akong tumatag ngayon reading all your comments! God bless us All po!”
Ang dami palang fighters na solo parents. Salute!