Alex Gonzaga naging 'sales lady' sa loob ng isang araw, kinaaliwan ng netizens

Ang comedienne-actress na si Alex Gonzaga ay naging isang ‘sales lady’ sa SM Makati at nagtrabaho sa loob ng isang araw sa kaniyang bagong vlog na in-upload noong November 6,

Nakipag-interact din siya sa iba’t ibang mamimili sa mall. Napatawa din niya ang mga ito sa mga biro niya. Hindi lamang ‘yun;  nakipagkuwentuhan at naki-marites din sa mga sales lady.

Ayon sa aktres ay pinangarap din niya noon na maging isang sales lady lalo na kapag isinasama siya ng kanyang mommy na mamili.  “Alam n’yo nung bata ako pangarap ko talaga maging sales lady, hindi ako nagbibiro,” aniya.

“‘yung libro ko, ‘yung textbook ko noong bata ako, pag nilalagay ano ‘yung mga what do you want to be when you grow up? ang dinorawing ko talaga is sales lady.”

Sa huling bahagi ng video, ipinahayag ng vlogger kung gaano niya pinahahalagahan at saludo siya mga sa sales clerk. Pinahahalagahan nila ang ginagawa nila araw-araw upang matugunan ang mga hinihingi ng kanilang mga kliyente.

“Alam mo mahal saludo tayo sa mga sales lady nakakapagod ang trabaho nila, at the same time iba’t ibang klase ng customer ang kinakaharap nila, iba’t ibang ugali pero kailangan nakangiti, naka-smile,” wika ni Alex sa kanyang asawang si Mikee Morada.

Marami ang natuwa at naaliw na netizens sa bagong vlog ni Alex at nagkomento na nararamdaman ng aktres ang hirap at saya maging isang sales lady.

“Bagay kay Alex ganito klase content, pinapakita niya ang tunay na buhay ng isang ordinaryong tao. Sana next time, maging traffic enforcer, flight attendant, tindera sa divisoria, parlorista, etc.”

“Being a sales lady all day is no easy job. Standing and walking around accommodating costumers is something that takes a whole of skill, talent and determination. We appreciate Alex for being consistent with all her content. May God continue to bless her and her family.”

“Not just a sales lady, but all the professions connected with customer service! We salute you all! “

“My sister used to be a sales lady in SM for 20 years and she has an amazing interpersonal skill. Her patience is awesome! I salute all sales lady. I have so much respect for all of them.”

Post a Comment

Previous Post Next Post