Humingi ng paumanhin ang aktor na si Andrew Schimmer sa mga hindi natutuwa sa pagiging emosyonal niya tungkol sa kalagayan ng kaniyang misis na si Jho Rovero.
“Sa mga ibang kapatid natin na nai-irritate minsan sa akin dahil masyado raw akong emotional, guys, I’m sorry. I cannot control those emotions sometimes, it’s just bursting out… Pag mahal n’yo ‘yung taong lumalaban, pag meron kayong mahal sa buhay na ipinaglalaban ang buhay niya, I know you will understand me,” aniya.

Nagbigay rin siya ng update sa kalagayan ng misis na nasa ICU. Dapat daw ay ililipat na si Jho sa regular room pero kailangan pa raw nito ng suporta ng ventilator.
“Supposedly, yesterday dapat nalipat na siya ng regular room kaso nakaantabay muna ulit yung kaniyang paglipat sa regular room kasi medyo under observation siya ulit ngayon kasi since last night parang medyo nawawala-wala yung kaniyang self-breathing na supposedly okay na. So today, medyo under observation ulit siya,” aniya.

Pero pagbabahagi niya, nawala na ang pamamanas ni Jho.
“Ang pinaka good news naman, nawala na yung kaniyang pamamanas, umokay na. So ang pinakabinabantayan lang natin ngayon ay medyo nawala yung kaniyang self-breathing last night. So 100 percent nakadepende ulit tayo sa kaniyang air ventilator,” kuwento niya.
Muli ring humingi ng panalangin si Andrew at nakiusap na sana raw ay huwag mapagod ang mga taong magdasal kasama sila.
“I need your prayers again, guys. She needs God every day in her life. Sana mga kapatid, wag kayong magsawa. Wag kayong mapagod samahan akong magdasal.”

Nananatili rin siyang positibo na gagaling ang kaniyang misis. “Naniniwala ako, hanggang ngayon, buong buo ang faith kong hindi siya pababayaan ng Panginoon. Napakabuting tao niya kaya naniniwala akong hindi siya pababayaan ng langit. We’re gonna win this. Kapit lang tayo,” aniya.
[RELATED: Andrew Schimmer asks for prayers anew as wife goes through hardest fight of her life]
Mahigit isang taon nang nakikipaglaban sa karamdaman si Jho. Nobyembre noong isang taon nang isugod siya sa ospital dahil sa severe hypoxemia. Isang beses pa lang siyang nakalabas ng ospital ngunit ibinalik din siya matapos ang isang linggo.