Cryptic posts ni Moira dela Torre, ikinawindang ng mga fans; mga hugot lines bumuhos

Viral ang pinakabagong hugot post ng singer-song writer na si Moira dela Torre na ikanawindang ngayon ng mga netizen.

“Paano ba magtitiwala?” aniya sa kanyang FB account.

May mga nagsabing hanggang ngayon daw ay parang hindi pa rin nakaka-move si Moira sa paghihiwalay nila ni Jason Hernandez habang sinasabi naman ng ilang fans na baka lyrics lamang ito sa bago niyang heartbreak song.

As of writing, umani na ang Facebook post ng mahigit 180,000 reactions, 27,000 comments, at 31,000 shares simula nang ibahagi ito ni Moira noong Linggo ng gabi.

Nitong nagdaang Lunes, muli na namang nag-post ang singer sa kanyang social media account, “pano kung iwanan ko ang lahat tas iwanan mo lang rin ako,” saad ni Moira.

Lalong ikinawindang ng mga fans ang sumunod na ‘linyahan’ ng Kapamilya singer. Bumuhos ang saloobin at balik-hugot ng mga followers niya.

“Wag mo na balikan kung sa una pa lang Di ka na pinahalagahan.”

“Sana lyrics ito ng bago mong kanta.”

“Normal lang ‘yan sa mga musicians.. ang problema ‘yung ‘di ka musician tapos iniiwan ka….”

“Matutulog na lang ako at lahat pinag-overthink mo pa sis.”

May mga followers na pabirong nagkomento sa naturang post, “Ang masakit pa nun, ‘yung bihis na bihis ka tapos hindi ka pala kasama.”

“Okay lang ate Moira Dela Torre . Basta isa lang ang alam ko, si Lord lang ang hindi nang-iiwan.”

Matatandaan na noong Setyembre, inakala rin ng mga fans na ang kanta niyang “Babalik Sa ‘Yo” ay para kay Jason pero paglilinaw ni Moira, “Kanta lang ‘to. Wag marupok.”

Basahin: Moira Dela Torre sinagot ang netizen na pumuna sa di niya pa pagkakaroon ng anak

Kamakailan ay hindi nakapagpigil ni Moira at sinagot ang isang netizen na nag-iwan ng komento kaugnay sa hindi niya pagkakaroon ng anak.

“Sge ituloy ko po para sayo, bigyan na rin kita ng options teh parang nahirapan po kayo e… ‘kahit anong ganda ng isang tao, pag hndi mag kaanak…..’ maganda pa rin / hindi pa tamang oras / wala sa tamang tao / choice nila yon / wala kang pakialam,” aniya.

Post a Comment

Previous Post Next Post