Naghatid ng katatawanan ang ginawa ng isang determinadong delivery rider na sinundan pa hanggang maternity clinic ang kaniyang buntis na customer para maibigay ang order.
Ibinahagi ni Noreen Tiempo sa isang Facebook post ang nakatutuwang karanasan ng kaniyang manganganak nang hipag na sinundan ng delivery rider sa clinic para sa kaniyang inorder na item.

Batay sa kaniyang post, abala na umano sila sa loob ng clinic dahil nakararamdam na ang kaniyang buntis na hipag subalit hindi raw nagdalawang-isip na pumasok doon ang delivery rider.
Ang nakatatawa pa umano, kinunan pa ng larawan ng rider ang buntis na manganganak habang hawak ang parcel bilang ‘proof of delivery’. 
“Nice One Kuya! Hahaha pero nagkatawa jud mi hahaha kay Gipicture ran pa jud as Delivery proof nga na received ni Buntis ang Order bisag nag bati na,” wika ni Noreen.
Nag-viral naman agad ang nasabing post sa Facebook na pinagtawanan ng mga netizens.
Narito ang ilan sa mga comments:
“Hahaha ninong na yarn.”

“Buti pa nga eto kahit saan pupuntahan. Yung delivery rider kasi samin ng isang courier 1 attempt pa lang return agad. Ni di nga nakapunta sa bahay or tumawag/text.”
“Employee of the Year.”
“At least the parcel has been delivered to the rightful owner [laughing emoji].”
“Saan mang sulok ng mundo puntahan ka talaga ni sir J&T rider.”

May ilan namang nag-suggest na ang ipangalan daw sana sa baby ay ‘Parcel’, ‘Shopee’ o ‘Parcela’.
Dahil nga sa nangyari, gumawa na rin ng Facebook page sina Noreen para sa bagong panganak na sanggol na tinawag nilang ‘JNT Parcel Baby’.
“HELLO PO THANK YOU FOR WELCOMING OUR BABY AND GRABE NAG TRENDING JUD ANG AMONG JOURNEY. AND IT IS A BLESSING FOR US PO. MARAMING SALAMAT. NOW WE HAVE A FACEBOOK PAGE ACCOUNT ( JNT Parcel Baby) PLEASE SUPPORT PO. THE PURPOSE OF THIS PAGE IS FOR ENTERTAINMENT AND WE WILL GIVE YOU THE LIFE UPDATES OF OUR JNT Parcel Baby,” ani Noreen sa comment section ng nag-viral na post.