Excited na si Toni Gonzaga sa kaniyang nalalapit na anniversary concert na gaganapin sa Enero 20, 2023 sa Araneta Coliseum.
Ibabahagi ng Ultimate Multimedia Star ang kaniyang naging karanasan sa showbiz sa loob ng nakaraang dalawang dekada simula noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya hanggang marating ang kaniyang kinalalagyan ngayon bilang isa sa mga sikat na aktres, singer at host.

Sa ginanap na media conference para sa kaniyang “I Am…Toni” concert na ginanap sa Winford Resorts and Casino nitong Nobyembre 17, sinagot ni Toni ang ilang katanungan mula sa mga mamamahayag.
“It’s just a recollection of everything that happened in the 20 years. How I started, what happened in between, and where I am today. Parang it’s going to be a journey, ‘yung concert. It’s more of a story of everything, of my life,” ayon sa actress-host.
Ipinaliwanag niya rin kung bakit “I Am…Toni” ang titulo ng kaniyang concert: “It’s because during the pandemic, I realized the power of affirmation. I read this book that it says there, anything that you say after I am, follows you and you become.”

Marami umano siyang dapat ipagpasalamat lalo na sa kaniyang pamilya at sa mga followers at fans na patuloy na sumusuporta sa kaniya sa kabila ng mga kontrobersyang sinuong niya nitong mga nagdaang buwan.
“I am grateful for the love, for the support, for the belief that they still have in me, and isa sila sa kinu-consider kong pinakamalaking biyaya na meron ako sa industriya,” ayon sa misis ni Paul Soriano.

Para naman sa kaniyang mga bashers na hindi siya tinatantanan, aniya, “Sa mga haters, bashers…ahhh, I am quiet.”
“Silence is the best answer. No response is the best response. Sa mga hindi magagandang bagay, I am quiet na lang siguro. We are not a fighter, we are a lover. We only speak about the things we love. I do not like speaking about hate. Because, love always wins. Winner lang tayo. Love lang tayo,” patuloy pa nito.

Para kay Toni, dapat ay puro na lang pagmamahal dahil kung ano umano ang iyong ibibigay ay siya mo ring matatanggap..
Panoorin ang mediacon ni Toni G sa videos na ibinahagi ng Wow It’s Showbiz via YouTube: