Ka Tunying emosyonal na binalikan ang pinagdaanan ng anak na si Zoey

Naging emosyonal ang brodkaster na si Anthony Taberna nang alalahanin ang mga pinagdaanan ng anak na si Zoey nang sumailalim ito sa pagpapagamot sa Singapore.

“Makulimlim ang panahon, parang naging senti tuloy ako. Di maiwasang alalahanin ang mga malulungkot na nangyari sa taong ito. January 22, 2022 ang picture na ito. Kamay namin ito ni Zoey habang nakaratay siya sa pagamutan dun sa Singapore halos sampung buwan na ang nakakalipas,” pagbabalik-tanaw niya sa isang Instagram post.

Kuha raw ang larawan noong mga panahong labis na sakit ang nilalabanan ng kaniyang anak. Tinawag daw ni Zoey ang kaniyang ama at sinabing hawakan nito ang kaniyang kamay.

“Hiling niya sakin ‘Daddy, hawakan mo po yung kamay ko. When I’m holding your hand, I don’t feel alone’, sabi ni Zoey. Yun naman ang gagawin ko at kahit ano pang sabihin niya upang maibsan ang kaniyang lungkot, takot at iniindang kirot,” dagdag ni Ka Tunying.

Naluha rin daw siya sa tuwa nang marinig niya ang tila kasagutan sa kaniyang tanong mula nang magkasakit ang kaniyang anak.

“Kung ipahintulot man ng Panginoon na kayo’y magkasakit o magdanas ng hirap, siya na inyong guro, ay hindi magtatago sa inyo. Maririnig ninyo ang kanyang tinig at siya ang laging kaalakbay ninyo upang ituro ang inyong daraanan. Ngunit ang Diyos ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan, Siya ay Diyos na makatarungan. Mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.” (Isa. 30:20-21 at 18),” pagbabahagi niya.

“Kaya huwag tayong magtatampo kung tayo man o ang mahal natin sa buhay ang magkasakit. O kahit na dumaan sa iba pang uri ng pagsubok. Tutulong Siya at maaawa sa lahat ng sa Kaniya’y lubos na magtitiwala.”

Ngayong taon ay idineklara nang cancer-free si Zoey matapos magpagamot sa Singapore.

“After 167 long days, we went back home to the Philippines. And now i am totally cancer free! I would still have check ups and maintainance drug infusions from time to time, but that is nothing compared to what i’ve been through,” ani Zoey sa isang Instagram post.

Post a Comment

Previous Post Next Post