Binigyang-linaw ni Dimples Romana ang biglaang pagkawala at pananahimik ng Kapamilya actress at malapit na kaibigan niyang si Angel Locsin.
Marami kasi ang naghahanap kay Angel at nagtataka kung bakit hindi na ito nagpaparamdam sa social media lalo na noong manalasa ang Bagyong Paeng sa bansa.

Sa isang media conference noong isang araw, pabirong sinabi ni Dimples na dapat daw ay hindi siya ang tinatanong kung nasaan ang kaniyang matalik na kaibigan.
BASAHIN: Nasaan si ‘Darna’? Angel hinahanap na ng mga netizens; tatlong buwang walang update sa socmed
“Pero alam mo naman tayong mga tao, of course we have moments na you know, we want to… paano ba, ako kasi mayroon akong mga moments na ganyan eh. Sa pamilya ko parang I just want to focus on my family first, on my loved ones and I think Gel super earned that kind of [privacy] kasi we’ve seen her and she has not stop working ever since,” paliwanag ni Dimples.

Inamin din ni Dimples na sila mismo ay matagal na ring hindi nagkikita at iyong huli raw ay ilang buwan na ang nakararaan kung saan binisita niya ito at nag-lunch out pa sila.
Ganunpaman, lagi naman daw silang nag-uusap ni Angel at mister nitong si Neil Arce.
“She always messages me naman and I always call her, very random naman kaming magkaibigan. So ‘yung pagkakaibigan namin hindi parang pagkakaibigan na parang pang-artista, pang normal na tao siya, nagtatawagan, nagfi-FaceTime, ganun,” ayon pa sa aktres.

Sana raw ay maunawaan ng publiko ang pansamantalang pananahimik ni Angel lalo pa’t maraming haka-haka ang nagsulputan gaya ng hiwalay na daw ito kay Neil, o kaya ay buntis ito at nagpapahinga muna sa social media.
“And I think na earn na ni Gel ‘yung ganun klase ng luxury, ‘yung time and privacy with Neil,” giit ni Dimples “But, for anything, we should give lang Gel the time na you know she wants to keep it to herself,” ani Dimples.
Panoorin ang buong panayam kay Dimples: