Kempee may pinagsabihan noon na batang aktres tungkol sa pagrespeto sa mga senior actors

Medyo matagal na rin sa industiya si Kempee de Leon kaya marami na siyang naging karanasan sa mga kapwa niya artista at kabilang na rito ang isang batang aktres na nagpagsabihan niya umano noon tungkol sa paggalang sa mga nakatatandang aktor.

Sa panayam ni Bernie Franco ng PEP Ph Live, ibinahagi ni Kempee na na nasita umano niya umano ang young actress matapos daan-daanan na lamang sa set ang isang beteranong aktor.

“Hindi naman galit, pero nasabihan ko lang na, sinabi ko, ‘Tuwing may darating na elderly o kahit sabihin mong kaedaran mo na artista, magbigay-pugay ka pa rin. Mag-give respect ka pa rin. Mag-hi ka, good morning, good afternoon po, ganito. Or ipakilala mo ang sarili mo,’” kuwento ng dating matinee idol.

“Yung personal ba na ikaw ang um-approach, hindi yung sila yung a-approach sa iyo. Parang magbigay-pugay at magbigay respeto ka sa mga seniors,” saad pa nito.

Marami na raw kasi sa mga bagong celebrities ngayon ang tila wala nang paggalang sa mga nakatatanda sa kanila.

“Dinaanan, kunyari, si Tito Eddie Garcia. Hindi man lang nagbigay-pugay. Eh, kung ako nga ang tagal ko sa industriya, nagbibigay-pugay. Kulang na lang lumuhod talaga ako, e,” kuwento ni Kempee.

Hindi naman binanggit na ng ‘Mahal Kita, Beksman’ actor kung sino ang batang aktres subalit mukhang ganito na raw talaga ang ugali ngayon ng bagong henerasyon.

“Sorry, ha, for being blunt sa napapansin ko. Yung ibang artista ngayon, iyon yung nawawala, yung respeto sa mga elders; na hindi na sila bumabati,” wika ni Kempee.

Noon daw kasi, marami siyang natutunan sa mga nakatatandang artista tulad ng yumaong si Manoy Eddie na siyang nagpaalala sa kaniya tungkol sa pabibigay-pugay sa mga kasamahan sa showbiz na nauna sa kaniya.

“Siya yung nagre-remind talaga, ‘Always give respect to the elders or sa mga actors na mas nauna sa inyo para sa ganoon rerespetuhin din kayo.’ Tagal na noon. Sinabi niya sa akin, bata pa ako,” pag-aalala pa ng komedyante.

Samantala, malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang bagong pelikula ni Kempee na ‘Mahal Kita, Beksman’ kung saan gumanap siya bilang gay father at nakasama niya rito sina Christian Bables, Iana Bernardez, at Katya Santos.

Panoorin ang panayam kay Kempee de Leon:

Post a Comment

Previous Post Next Post