Ipinakita na ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kanilang adorable baby na si Dylan.
May special treat ang Kapuso couple sa kanilang fans na nakabihis ng chocolate brand-inspired costume na Kisses at Hershey’s noong Halloween.
Talagang happy family sila at makikita ang napaka-cute na si Dylan habang hinahalikan sa pisngi nina Jenelyn at Dennis.

“Sending kisses from our family to yours!” saad ng mag-asawa sa kanilang IG post.
Samantala, ang mga kapwa celebrity, at netizens, ay hindi maiwasang mamangha sa anim na buwang baby nina Jennylyn at Dennis.
“Sobrang cute!!!!!!!!!!”
“Oh em!!! Ayan na syaaaa!!!”
“The long wait is over.. finally the face reveal of baby Dylan..ur so pretty baby”
“OMGGGG HIII DYLAN”
“HUHU SO PRETTYYYYYYYY”

“Ang tagal kong inabangan ka baby. Grabe hawig ni daddy dennis.”
Basahin: Jennylyn Mercado starts post-partum fitness journey
Sinimulan na ng aktres kamakailan ang kanyang fitness journey ilang buwan matapos ipanganak ang kanyang pangalawang anak.
Pinasilip ni Jennylyn sa netizens ang kanyang pilate’s session at sinabing bagamat mahirap ang pagbabalik sa pangangatawan pagkatapos ng pagbubuntis, alam niyang kakayanin niya ito.
“Postpartum fitness isn’t easy but we’ll make it through!” wika ng aktres.
Basahin: Jennylyn Mercado naisilang na ang anak nila ni Dennis Trillo

Ipinanganak ni Jennylyn ang unang baby girl nila ni Dennis noong Abril 25 na ibinahagi sa IG.
“Aaminin ko stressful para sa akin ang nangyayari sa bansa natin ngayon kaya pinili ko manahimik muna at magfocus sa aking pagbubuntis,” aniya.
“Pero syempre hindi rin maaari na hindi ako manindigan lalong lalo na ngayon na may bago akong silang na anak. Kinabukasan niya ang nakasalalay dito e,” dagdag pa niya.
Basahin: Dennis Trillo at Jennylyn Mercado idinetalye ang kanilang intimate civil wedding
Ang mag-asawa ay nagpakasal sa isang intimate civil wedding pagkatapos ng walong taon na relasyon.