Hindi inaasahan ni Ogie Diaz na maba-bash siya ng mga fans ng AlDub love team matapos ang kaniyang panayam kay Maine Mendoza.
Sa naturang panayam kasi, isiniwalat ni Maine na marami pa ring tagasunod ng AlDub ang naniniwalang nagkatuluyan sila ni Alden Richards at nagkaroon pa umano ng anak.

Ipinipilit umano ng mga ito na inililihim lang ng dalawa ang kanilang relasyon sa publiko kahit pa mayroon na silang kani-kanilang buhay ngayon.
“‘Yun kasing iba, kapit na kapit sila na mag-asawa kami ni Alden, may anak na kami. So ayon ‘yung hindi ko rin ma-tolerate. I tried calling them out couple of times already pero ayaw po rin talaga nilang maniwala,” pagbabahagi ni Maine.

Dahil dito, mine-message na raw ni Yaya Dub ang ilang fans para sabihin ang totoo subalit ayaw raw talaga siyang paniwalaan at napagkakamalan pang admin lamang ng page.
Backlash ng fans kay Ogie
Matapos ang kaniyang interview kay Maine, nagtanong si Ogie sa Twitter kung totoo bang nagalit sa kaniya ang AlDub fans.

Kaagad namang nagpadala ng mga screenshots ng mga tweet ng Aldub fans ang ilang users.
Isa rito ang nagsabing: “The interview of OD (Ogie Diaz) was the worst interview of Maine Mendoza, making her a liar and a heartless mother who denied her children’s existence, I hope you can sleep well at night, may God enlighten your mind and heart.”
Ayon naman sa isa, may nakapagsabi raw sa kaniya na may ipinabasang script kay Maine bago ang interview.
“She was asked to leave her bag & CP outside so close[d] door ang mediacon. So paano kami nakapagchat at d tym that she was hving dat intv? Only God knows,” wika ng naturang fans.
“Dapat talaga humarap si Maine sa korte kc maganda na doon niya lahat sabihin sa korte at ng maipakita din natin ang lahat ng resibo kc napakasinungaling ngayon ni Maine… gumawa siya ng ingay humarap siya wag niyang babaliwalain ang fandom tingnan natin kung hanggang saan ang kasinungalingan ni Maine,” tweet naman ng isa pa.
Hindi lamang si Ogie ang dismayado sa pagiging ‘delusional’ ng ilang AlDub fans kung hindi maging ang ibang netizens.
Sana raw ay tanggapin na ng mga fans ang katotohanan na love team lang ang AlDub at mag-move on na sa paghihiwalay ng dalawa.
Wala namang masabi si Ogie D kung hindi, “Ang ending nito may apo na ang AlDub!”
Samantala, heto ang video ng interview kung saan ang mga comments naman ay positibo at paghanga lang ang nilalaman ng mga reaksyon.