Ogie may hamon sa die-hard fan ng AlDub: ‘P100K pag napatunayang may anak ang AlDub, P150k pag may apo’

Hindi pa rin tinitigilan si Ogie Diaz ng ilang fans ng AlDub love team matapos ang kaniyang interview kay Maine Mendoza noong nakaraang linggo.

Isa kasing ‘vlogger’ na miyembro ng ‘AlDub Nation’ ang naglabas ng video kung saan pinagpipilitan nitong mag-asawa talaga sina Maine at Alden Richards at sa katunayan daw ay may anak na nga ang mga ito.

“Mayroon talaga silang anak. At saka kahit nasa ibang bansa ‘yang si Alden laging may bitbit na pambata talaga na laruan… kasi ‘wag kayo kaagad magagalit, dapat titingnan niyong maigi.”

“Nagagalit kayo sa lalo na sa mga AlDub Nation. ‘Yun nga sinasabi ni Alden, ang mga AlDub Nation matatalino… nakikita talaga… pero hindi… nilalabas na rin `yan ng mga dabarkads,” hirit ng vlogger.

Itinatago lang daw ang mga bagay na ito para sa proyekto nina Alden at Maine pero ang katotohanan daw ay may anak na talaga ang dalawa.

Sa isa pang video ay iginiit din ng naturang vlogger na ang mga sinasabing pamangkin daw ni Alden ay talagang anak nila ni Maine dahil ‘daddy’ ang tawag nito sa kaniya.

“Sino ang sinabihan niyang daddy? Di ba ang Daddy niya… na si Richards,” wika pa nito.

Maraming netizens naman ang hindi makapaniwala sa pinagsasabi ng vlogger na diumano ay ‘delusional’ na at naniniwala sa mga kasinungalingan.

“Hahaha, aldub ako forever pero si ate, parang kailangan ng magpacounselling sa MH… expectation vs reality,” komento ng isang Twitter user.

Ibinahagi rin ni Ogie Diaz sa Twitter ang nasabing video at hinamon pa niya ang vlogger.

“Teh, produce mo yung anak, tapos, bigyan kita ng 100k. Pag napatunayan mong may apo na rin ang Aldub, 150k,” ani Ogie.

Ilang netizens din ang dismayado kay Alden dahil sa patuloy na pananahimik nito sa kahibangan ng kanilang fans ni Maine.

“Magsalita ka naman.. yung matatandang fans nyo.. Utak na nila paurong. Wag puro si Maine lang. Jusme naman.. pakalalaki ka.. anlala na nito,” hamon ng isang commenter sa Kapuso actor.

Kung magugunita, na-bash ng AlDub fans ang panayam ni Ogie kay Maine matapos ibahagi ng huli na marami pa rin naniniwalang nagkatuluyan sila ni Alde kahit ilang beses na niya itong pinabulaanan.

BASAHIN: Interview ni Ogie Diaz kay Maine Mendoza na-bash ng AlDub fans

Sana raw ay tanggapin na ng mga fans nila ang katotohanan na love team lang ang AlDub at mag-move on na ang mga ito sa paghihiwalay nilang dalawa.

Post a Comment

Previous Post Next Post