Akala ng karamihan kapag kursong pagdo-doktor ang iyong tinapos ay madali lamang maging mayaman ngunit hindi nila alam na marami pa ring doktor ang nagsusumikap, nagsisimula sa ilalim at maraming taon pa ang kailangan para lamang magkaroon ng maayos na buhay.
Viral ngayon sa social media ang ibinahagi ng netizen na si Deanne Cuevas sa kanyang Facebook account, isang doktor, kung saan tampok ang kanilang usapan ng isang motorcycle rider na kanyang sinakyan.

Sa kanyang post, nagtaka umano ang rider dahil sumasakay sa motor ang katulad ni Deanne, sa pag-aakala nito na lahat ng dockor ay mayayaman.
Tugon naman ni Deanne, hindi umano kaya ng kanyang sweldo ang pamasahe sa Taxi o Grab dahil 20,000 lamang ang kanyang sweldo.
“Ah. Pano po ‘yun mangyayari? Mayaman po ang mga doktor. Akala ko po mayaman lahat ng mga doktor,” ani rider.
“30 plus na po ako, doktor, pero hindi po mayaman,” sagot naman ni Deanne.

Aniya, maraming doktor ang nagsusumikap nang maraming taon para lamang magkaroon ng mas maayos na buhay.
“‘Yung iba, pinanganak na talaga na mayaman pero maraming doktor ang nagsisimula sa ilalim at nagbubuno ng madaming taon para magkaroon ng maayos na buhay.”
“Dapat siguro maitama ang mentalidad na ang pagdokdoktor ang susi sa pagyaman dahil higit sa lahat, ito ay tungkol sa paglilingkod sa bayan at hindi para sa kaban.”
Maraming netizens naman ang sumang-ayon sa post ni Deanne.

“True. Kala kasi ng iba porket doktor mayaman. Hindi ho. Mas maraming propesyon ang mas malaki sahod o kinikita kaysa sa amin.”
“Totally true! Marami po galing sa hirap at patuloy na nagsusumikap.”
Mayroon namang nagpahayag na sana raw ay itaas ang sweldo ng mga dokor.
“Dapat itaas na talaga sweldo ng doctors lalo na ng mga residente at general Practitioners. Abusado na kasi ‘yung ibang ospital tas buhay natin ‘yung puhunan.”