Nag-viral online ang isang netizen matapos i-flex ang regalong natanggap niya sa kanyang “Monito, Monita, Something Long”.
Ang kapaskuhan ay panahon ng pagbibigay ng mga regalo. Alinsunod sa kaugalian ng pagbibigay, ang mga Pilipino ay may sariling bersyon ng Secret Santa na kilala bilang “Monito Monita,” kung saan ang mga grupo ng mga magkakaibigan, magkakatrabaho, o magkakaklase ay nagpapalitan ng mga regalo.
Isang Facebook user na nagngangalang Rey Joseph Aguilar ang nagbahagi ng larawan ng regalong natanggap niya sa kanilang segment na “Monito, Monita, Something Long”.

Agad na nag-viral online ang ipinost sa Homepaslupa Buddies 3.0 at umani ng mga reaksyon mula sa mga internet users.
“Something long yung nabunot binigay si Long Mejia,” saad sa caption ng uploader na may kalakip na umiiyak na emojis.
Sa larawan, makikita na nakatanggap si Rey ng picture frame na may photo ng kilalang Filipino comedian/actor na si Long Mejia.

Kuwento ni Rey, “Natawa na lang nang sobra.. kasi mukhang tama naman po siya.”
Ang mga netizens ay nagpahayag ng kanilang mga reaksyon sa nakaaaliw niyang post at inalala rin ang kanilang hindi malilimutang exchange gift.
“Ganyan din sa work ko noon something long daw aba eh ang natanggap ko ‘yung mahabang tinapay tapos ang tigas sabay ang message ipokpok ko daw sa ulo ko.”
“2019 version ng something long na binigay saken ng monito ko hahaha”

“Naalala ko tuloy ang natanggap ko noon na exchange gift sa school elementary pa ako, isang kape na stick, coffemate at piso na asukal.. hajaja”
“Something went long”
“Naalala ko nung high school ako. Ang sa amin something red. ‘Yung na-recieve ko hotdog na may kagat.”
“Hahahaha Sana sa something long, wag naman ito. hahaha”
“Kinabahan naman ako akala ko mag cocondolence na ko.”
“Something long, pwede rin footlong, long bond paper, longganisa.”