Walang script at hindi planado; ganito ang pagsasalarawan ni Alden Richards sa kanilang pagganap ni Maine Mendoza sa isa sa maaaring pinakamatagumpay na loveteam sa kasaysayan ng showbiz – ang AlDub.
Sa isang panayam kamakailan na inilabas ng Inquirer, sinagot ni Alden ang ilang katanungan tungkol sa AlDub tulad ng bakit kinagat ng madla ang kanilang tambalan ni Maine gayung hanggang sa camera lang naman talaga ito.

“Everything that people saw about AlDub was organic, that’s what we wanted to show. We didn’t have a script for that whole ‘Kalyeserye’ thing, so Maine and I just played along with it,” paliwanag ng Kapuso actor.
“But none of what Maine and I said was orchestrated or planned ahead, except perhaps the gist of the Lolas’ jokes and what they’re supposed to do. Everything was based on impulse or improvisation, which probably explains why the story that developed felt so organic,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Alden, walang halong ‘pretension’ o pagkukunwari ang kanilang pagganap at lalong hindi nila niloko ang kanilang mga sarili noon.
Sa katunayan umano, noong una daw silang magkita ay ‘yun talaga ang first time na nagtagpo sila ni Maine sa personal kaya nga tinawag itong ‘Tamang Panahon’.
Subalit kinalaunan raw ay naging malinaw na sa kanila ni Maine na may kaniya-kaniya silang plano at direksiyonng nais tahakin kaya pinili nilang maghiwalay bilang magkaibigan.

“Minsan, hindi mo puwedeng i-align ang plano mo sa plano ng iba kasi iba-iba kayo ng direction. Huwag ipilit or baka you’ll end up fighting or having a misunderstanding. So, we opted to go our separate ways as friends,” paliwanag ng tinaguriang ‘Asia’s Multimedia Star’.
Sa mga negatibong reaksyon at komentong natatanggap niya ngayon, turan naman ni Alden: “I just got used to it … and I became numb to what the naysayers would say. You can’t plead to them not to drag this or that aspect of your life into the controversies, or leave your family or loved ones out of them. Pero mangyayari at mangyayari ‘yun.”

Tanggap na niya umano ang mga kritisismo at hindi talaga maiiwasan iyon bilang isang public figure. Sanay na raw siya sa mga ganitong bagay at hindi na siya naaapektuhan pa.
Abala si Alden ngayon sa malapit nang magtapos na teleseryeng ‘Start-Up PH’ kung saan nakasama niya si Bea Alonzo, habang si Maine Mendoza naman ay napabalitang malapit nang ikasal sa kaniyang boyfriend na si QC Rep. Arjo Atayde.