Sa burol ng kaniyang ina ipinagdiwang ng bunsong anak nina Andrew Schimmer at Jho Rovero ang kaarawan nito.
Sa video na ibinahagi sa YouTube channel ng kanilang pamilya ay makikita si Xander na nagbibigay ng mensahe sa kaniyang Mommy Jho. Aniya, gusto niya sanang gumaling ang kaniyang mommy at umuwi ito sa kanilang bahay.

“Mommy, I just wish you were well again and come home… I really, really, really wish that you come home and you were okay. And I really want you to be proud of me and Ate and Daddy. We will keep making you proud every single day,” ani Xander.
Samantala, sa isang post naman ay inamin ni Andrew na tila hindi niya na kailanman magugustuhan ang Pasko.
“Sometimes life will break you to the point of no return. It will give you so many circumstances that you will really hate yourself. I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again,” sabi niya.

Kamakailan lamang ay sumakabilang-buhay si Jho, matapos ang mahigit isang taong pagkaka-confine sa ospital. Paglalahad ni Andrew, nasa taping siya ng Family Feud nang makatanggap ng tawag mula sa mga doktor ng kaniyang partner na hindi maganda ang lagay nito.
Dali-dali siyang nagpaalam at humingi ng paumanhin sa management ng show dahil sa pagkaantala ng taping nito. Naabutan niya pa raw na nire-revive si Jho ngunit hindi na nito kinaya pang lumaban.

“Dali-dali naman tayong dumating dito. Inabutan natin siyang nire-revive nung ating doctors and nurses. They did everything they could. Masakit lang,” kuwento niya.
[RELATED: Jho Rovero, namaalam bago ang kaarawan ng bunsong anak]
Labis ding nasaktan si Andrew dahil hindi na naabutan ng kaniyang partner ang kaarawan ni Xander na ang hiling ay madalaw ang kaniyang Mommy. “Ang sakit lang kasi birthday nung bunso namin mamaya,” sabi ni Andrew.