Sharon Cuneta itinigil muna ang pagpapagawa ng bahay sa Cavite: 'Lots of things have changed'

Inamin ni Sharon Cuneta na pansamantala niyang ipinatigil ang pagpapatayo ng bahay sa Silang, Cavite na mahigit dalawang taon na ring ginagawa.

Sa panayam kay Sharon ng kaibigan niyang si Dra. Aivee Teo noong isang araw, kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang bahay nga na ipinatatayo ni Megastar.

“Wait, what’s happening at your house?” tanong ni Dra. Teo sa beteranang aktres.

“It’s on pause,” sagot naman ni Sharon. “I’m deciding whether to… lots of things have changed.”

Sinang-ayunan naman ito ni Dra. Teo: “Yeah, you’re right. But anyway we’ll see how it goes. Di ba? That’s how it is.”

“The good thing about it is, it’s always nice to know that you have a choice,” dagdag pa ng dermatologist.

Ipinaliwanag naman ng singer-actress na ‘naka-pause’ lamang , at hindi tuluyang nakahinto, ang konstruksiyon ngayon habang pinag-iisipan pa niya ang mga susunod na gagawin.

“Pause lang, not naman stop . But it’s just a matter of ‘Do I want to continue pa? There are other places you can put your money in,” bahagi ni Sharon.

Napag-usapan din ng dalawa ang nabiling bahay ni Megastar sa Calabasas sa LA, California na kinalaunan ay ibinenta niya rin.

Ayon pa kay Sharon, nag-iba na ang taste niya ngayon sa bahay – dati kasi ay mahilig siya sa French style, subalit ngayon ay ‘modern’ na raw ang tipo niya.

“Parang I’m thinking I should enjoy na lang my money…Cause I’m thinking, these kids, you’re sending them to school, so they can work for themselves,” pag-amin ng misis ni Kiko Pangilinan.

“Why am I worrying about them? Magtrabaho kayo!’ dagdag pa nito.

Nitong Enero 2022 ay unang ipinasilip ni Sharon ang ilang larawan ng kaniyang ipinagagawang mansiyon sa kanilang lote na may lawak na mahigit-kumulang 3,000 square meters.

Nabanggit pa niya noon na ipinatayo niya ito para sa kaniyang mga anak: “I pray that we are able to complete this before they all grow up, get married and move out!”

Panoorin ang kanilang usapan:

Post a Comment

Previous Post Next Post