Netizen nilibre ng pamasahe ang lalaking kalalabas lang sa kulungan

Binayaran ang pamasahe at tinulungan pang makipag-ugnayan sa kaniyang pamilya; ‘yan ang natanggap na pamasko ng isang lalaking dating PDL (person deprived of liberty) mula sa isang netizen na may ginintuang puso.

Ayon sa kuwento ng netizen na si Cathleen Lacorte na kaniyang ibinahagi sa Philippine Star, nakasabay niya sa bus sa PITX ang lalaki at pinababa ito ng konduktor dahil walang pamasahe.

“Nakasabay ko po siya sa bus dito sa PITX. Pinapababa po siya ng konduktor dahil wala siyang pambayad. Sabi niya po sa konduktor kalalabas niya lang ng kulungan kaya wala syang pera. Naawa naman po ako kaya sabi ko kay tatay wag siya bumaba ako na lang bahala,” kuwento ni Cathleen.

Bukod dito tinulungan niya rin umano si Tatay na makipag-unayan sa kanilang barangay at pamilya nito sa pamamagitan ng social media.

“Sobra po siyang nagpapasalamat dahil makakauwi siya sa mga anak niya. Mangiyak ngiyak po si Tatay dahil matagal niya po di [sila] nakasama. Nung sinabi niya po name ng anak niya nung imemessage ko para malaman na pauwi na siya nagsimula na po talaga siyang lumuha,” bahagi pa ni Cathleen.

Nag-viral sa Facebook at pinusuan naman ng mga netizens ang ginawang ito ni Cathleen. Narito ang ilan sa mga komento na pumupuri sa kaniya:

“Touching story God bless po sa Mam, sana may mga taong kagaya mo na bukas loob na tumulong.”

“Sobrang bait tlga ni Lord …He always send an angel like you mam Cathleen… May God bless you mooorrree.”

“Im crying while reading. God bless tay and kay ate na tumulong.”

“An awesome display of pure kindness. May God bless you more Miss Cathleen…”

“Always choose to be kind…God bless her kind heart at sana mg create ng ripple effect ito.”

May ilan din na umaasa na bukod sa tulong na kaniyang natanggap mula kay Cathleen, sana raw mabigyan din muli ng pagkakataon si Tatay na makapagsimula ng bagong buhay para sa kaniyang pamilya.

Post a Comment

Previous Post Next Post