Ang kinang ng Pasko! Melai nakatanggap ng regalong diamond ring mula kay Jason

Ibinida ni Melai Cantiveros ang natanggap na regalo nitong Pasko na isang diyamanteng singsing na bigay ng kanyang mister na si Jason Francisco.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng Kapamilya host ang larawan kung saan suot niya ang diamond ring na natanggap bilang Christmas gift mula sa asawa.

“Thank you Papang sa iyung Christmas Gift [laughing heart emojis] love u to the moon, roadtrip, broom broom, skert skert, zoom zoom #loveyou,” kuwelang caption ng komedyante.

Pinusuan naman ng kaniyang mga kapwa-celebrities ang post ni Melai at ang ilan ay natawa pa nga sa kaniyang caption kabilang na sina Maxene Magalona, Vina Morales at Jolina Magdangal.

“Momshie mels!!!!! Kanta ka ulit ng “forever blue” tapos tingin tayo@sa paligid ng carpet,” komento ni Jolina na kasamahan niyang host sa ‘Magandang Buhay’ sa ABS-CBN.

“Skert skert [with laughing emojis],” naman ang komento ni Maxene.

Ang iba naman ay inaming napakanta pa raw talaga sila habang binabasa ang caption ni Melai.

Nitong Disyembre ay nagdiwang din sina Melai at Jason ng kanilang ika-9 na anibersaryo bilang mag-asawa.

Sa kaniyang naunang post ay ibinahagi pa niya kung paano nila nalampasan ang naging hamon sa kanilang pagsasama.

Aniya,  “9yrs of Loving and Hating, 9 yrs of Accepting and Blocking each other, 9 yrs of Receiving and Giving, 9 yrs of Keeping the Faith and Losing the Faith to each Other, 9 yrs of Trusting and Doubting each other = Is equals to Matured and Best Version of ourselves for each other.”

“Happy 9 yrs Wedding Anniv PapaNuggets . Kahit minsan di mu ko MaGets love na love padn kita wanggets Love u with our Nuggets , Ate Nuggets and Baby Nuggets. May Godbless more our Journey,” dagdag pa ng Kapamilya actress.

Sina Melai at Jason ay ikinasal noong Disyembre 9, 2013; apat na taon matapos magkakilala noon bilang housemates sa ‘Pinoy Big Brother; Double Up’.

Post a Comment

Previous Post Next Post