Angel Locsin nagpaparamdam na nga ba sa social media?

Kahit hindi pa personal na nagpapakita si Angel Locsin sa publiko, nananatiling aktibo ang kaniyang Facebook page lalo na nitong buwan ng Disyembre.

Halos sunod-sunod nga ang kaniyang Facebook post kabilang na ang ilang tila lumang Christmas video nilang mag-asawa pati na ang farm tour na halatang nire-upload lang yata.

Ang ibang post naman ay mistulang hindi mismo galing sa Kapamilya actress at mukhang iba ang nag-post maliban na lang siguro sa isang endorsement video ng isang pharmaceutical company.

Gayunpaman, marami pa rin ang natuwa nang magbahagi ang Facebook page ni Angel ng larawan kung saan makikita silang magkatabi sa harap ng isang malaking Christmas tree noong araw ng Pasko, Disyembre 25.

Simple lang ang caption ng litrato; anito “From our family to yours, Merry Christmas, Angels! [heart emoji]”.

Kaagad namang nag-viral ang picture ng mag-asawa. Sa loob lamang ng isang araw ay mayroon na kaagad itong 160,000 reactions, mahigit 7,500 comments at 200+ shares.

Karamihan sa nagkomento ay halatang loyal fans ni Angel at bumati ng Maligayang Pasko sa mag-asawa.

Maging ang kaniyang endorsement video ay nakaipon na rin ng 15,000 reactions, mahigit 1,400 comments at halos 200 shares.

Maraming fans at taga-suporta ni Angel ang nag-aabang sa kaniyang pagbabalik sa telebisyon kahit ilang buwan na ring hindi nila naiispatan sa publiko ang kanilang idolo kahit pa noong nanalasa ang bagyo sa bansa buwan ng Nobyembre.

BASAHIN: Angel Locsin magbabalik-acting na para sa remake ng ‘Call My Agent’?

Kadalasan kasi ay isa si Angel sa unang-unang bibisita at magpapadala ng tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad kaya marami talaga ang na-miss siya sa mga pagkakataong iyon.

Lumabas pa nga ang mga haka-haka na posibleng may mabigat na problemang pinagdadaanan ang mag-asawa kaya nakababahala ang kanilang pananahimik.

Kabilang sa mga intrigang ibinabato sa kanila ay ang pagkakaroon umano ng ibang babae ni Neil Arce, na mahigpit namang pinabulaanan ng mister ni Angel.

Sa kabila nito, nananatiling umaasa ang mga fans at supporters ng aktres na maayos ang pagsasama nilang mag-asawa pati na ang kalusugan ng aktres at  talagang nangangailangan lang sila ng pansamantalang pahinga mula sa mata ng publiko.

Post a Comment

Previous Post Next Post