Barbie naka-move on na sa isyu nila ni Debbie; ayaw nang ‘mag-reconnect’ sa dating kaibigan

Nagsalita na si Barbie Imperial tungkol sa naging kontrobersiyal na away nila ni Debbie Garcia na nauwi pa sa demandahan sa korte.

Sa panayam ng Abante Tonite para sa pelikulang ‘A Cup of Flavor’ nila ni JC Santos, inamin ni Barbie na naka-move on na siya sa nasabing isyu. Kaya lang daw hindi siya nagsasalita noon dahil nasa korte na nga ang kaso.

“I think naka-move on na ako from it. Actually nung lumabas ‘yun, ‘di ko siya gustong sagutin or pag-usapan kasi siyempre dinala po sa korte,” paliwanag ng aktres.

Bagama’t wala naman daw pang update ngayon tungkol sa kaso, nakahanda naman umano siyang harapin ito.

Ayaw ring magkomento ni Barbie kung ano nga ba ang naging ugat ng gulo nila ni Debbie noong Oktubre 28 sa loob ng isang bar sa Timog Avenue, Quezon City.

Sa tanong na kung may pag-asa pang maplantsa ang hindi nila pagkakaunawaan ng Vivamax actress, inamin ni Barbie na mukhang malabo na ito dahil ‘malalim’ ang dahilan ng kanilang away.

“Honestly for me kasi we were friends before, something happened lang na malalim. Ako naman po hindi naman ako ‘yung tao na nagagalit if wala naman, chances were given before pero pag inulit-ulit kasi parang bastos na, ‘di ba?” lahad ni Barbie.

“So, nandun po ako sa point na ayoko na, na mag-reconnect ever. Parang leave it that way, walang bastusan pero done… done,” dagdag pa nito.

Ibinahagi rin ng sexy actress na nagkaroon na sila ng problema dati ni Debbie at muli itong naulit. Gayunpaman, wala raw siyang ginawa noon at nanatili pa rin ang kaniyang respeto sa dating kaibigan kahit dalawang beses na itong ginawa sa kaniya.

Itinanggi rin ng aktres na sinampal niya si Debbie gaya ng mga lumabas sa balita noon.

Para sa kaniya, sobra na ang ginawa ni Debbie dahil parang ito pa ang mistulang ‘nagpo-provoke’ noong mangyari ang gulo sa kanilang dalawa.

Panoorin ang buong panayam:

Post a Comment

Previous Post Next Post