Usap-usapan ngayon ang kumalat na balita tungkol sa diumano’y reklamo ng isang empleyado sa nanay ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine dahil sa paglabag raw sa labor code.
Nagsimula ang balitang ito sa vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs sa kanilang You Tube Channel na ‘Ogie Diaz Showbiz Update’ nitong Linggo.

Ayon kina Ogie, nagpadala ng text message sa kanila ang nagpakilalang empleyado ni Mommy Divine kung saan inisa-isa dito ang naranasang hindi magandang trato raw sa kanila ng nanay ni Sarah.
Kabilang sa mga binasa ni Mama Loi na ginagawa umano ni Mommy Divine sa kanila ay ang hindi bayad ang 31st ng buwan kung meron kahit nagtrabaho ng araw na ‘yun; walang overtime pay; walang double pay; delayed ang sahod; no restday kahit magpa-approve ka hindi niya pinapansin; at hindi nagbabayad ng government mandated benefits.

Nasasaad din sa naturang text message ang sumusunod: hino-hold ang tao pag gusto nang umalis, ayaw payagan agad; ginigising ang tao kahit oras ng pahinga para lang magbaba ng mga dala niya; pInapakain ang mga tao niya ng paa ng manok paulit-ulit at ulo ng manok; hindi pagpansin kahit maysakit ang tao; at kagaya nito hindi na naman siya nagpasahod kahapon (December 15).
Ayon pa kina Ogie, may mga umalis na raw na ibang empleyado dahil hindi makayanan ang palakad ni Mommy Divine lalo pa’t mas mababa sa minimum ang pinasasahod sa kanila.

Bagama’t hindi muna binabanggit nina Ogie na si Mommy Divine ang kanilang tinutukoy, ‘nadulas’ naman ang host sa sumunod na sinabi niya.
“At may mga empleyado rin na hindi nila makuha ang kanilang mga gamit dahil ang sabi raw ni Mommy Divine, ay ano ba ‘yan, ba’t nasabi ko,” wika ni Ogie.
“Ang inirereklamo nga raw po ay ang mommy ni Sarah Geronimo si mommy Divine na meron pang isang empleyado na gusto na niyang makuha ang mga gamit pero ayaw pumayag ni mommy Divine. Actually, ang haba-haba po ng reklamo oh, at hindi pa tapos ang conversation nila,” patuloy pa nito.

Bahagi pa ni Ogie, hindi ito ang unang pagkakataon na nakarinig siya ng reklamo laban kay Mommy Divine subalit ‘di lang raw niya iyon pinansin.
Sana nga raw ay harapin ng mommy ni Sarah ang mga akusasyon laban sa kaniya bago pa ito umabot sa ‘Tulfo-han’.
Panoorin ang buong vlog: