Jho Rovero, namaalam bago ang kaarawan ng bunsong anak

Matapos ang mahigit isang taong pakikipaglaban para sa kaniyang buhay ay namaalam  na si Jho Rovero, ang partner ni Andrew Schimmer.

Sa isang Facebook video ay ibinahagi ni Andrew na habang nasa taping para sa programa ng GMA na Family Feud ay nakatanggap siya ng tawag mula sa mga doktor ng misis upang ipaalam sa kaniya ang kalagayan nito.

“Mga kapatid, ikukuwento ko lang sa inyo, at the same time ibabalita ko sa inyo ‘yung pinakamalungkot saka pinakaworst na balitang puwede n’yong marinig,” panimula niya. “Kanina, habang nasa GMA ako para sa taping supposedly ng Family Feud, tinawagan ako ng doctors niya sa St. Luke’s na biglang nawala ‘yung oxygen saturation niya.”

Agad siyang nagpaalam sa GMA at humingi ng paumanhin sa pagkaantala ng shooting nila.

“Dali-dali naman tayong dumating dito. Inabutan natin siyang nire-revive nung ating doctors and nurses. They did everything they could. Masakit lang. Gusto ko lang ibalita sa inyo.”

Labis din ang kaniyang paghihinagpis dahil hindi na inabutan ng kanilang bunsong anak ang kaniyang Mommy. “Ang sakit lang kasi birthday nung bunso namin mamaya,” lumuluhang sabi ni Andrew.

Ipinasilip niya rin sa huling pagkakataon si Jho sa kanilang mga follower at nagpasalamat sa lahat ng mga patuloy na nagdasal at tumulong sa kanila. “Guys, maraming maraming maraming salamat sa mga nagdasal. Sa mga taong hindi nang-iwan sa amin. Thank you.”

[RELATED: Andrew Schimmer inilahad ang intensyong pakasalan si Jho Rovero: ‘By God’s grace it will happen’]

Kamakailan lang ay sinabi ni Andrew na handa siyang pakasalan si Jho. “We will not wait anymore for the right moment to come…by GOD’s grace it will HAPPEN. Very very soon,” aniya kalakip ang larawan ng isang pares ng singsing.

Sinabi rin noon ni Andrew na umaasa siyang ang pagbuti ng kalagayan ng asawa ang matatanggap niyang regalo ngayong Pasko.

Post a Comment

Previous Post Next Post