Ipinagdiwang ng celebrity couple na sina Neri at Chito Miranda ang kanilang ika-8 anibersaryo ng kasal na ibinahagi sa social media ng aktres.
Sa Instagram, ang wais na misis ay nag-post ng kanilang larawan na may kalakip na mensahe para kay Chito, “Happppppy 8th wedding anniversary, Dad!”
Aniya pa, “8 years na tayong kasal, 12 years na tayong naglalandian,”
“Thank you sa pagiging best husband!” sabi ni Neri. “Thank you at araw-araw mo pa rin akong pinapatawa, nililigawan, pinapakilig, at kinukwentuhan ng buhay buhay.”
Matapos ihayag kung gaano niya kamahal ang kanyang asawa, ibinunyag rin ni Neri na si Chito ay mas gugustuhing gugulin ang oras na kasama siya at ang mga anak kaysa ang tumabay at pumunta kung saan-saan. Sinabi din nitong “the best dad” ang asawa.
“Thank you for loving me. Ikaw ang number fan ko, number 1 cheerer ko,” aniya pa. “Ikaw talaga yung number 1 supporter ko at the same time number 1 critic ko pero ikaw naman ang only 1 sa puso ko.”

Tinapos ni Neri ang kanyang sweet message sa isang paanyaya na mag-lunch date sila — at pagkatapos ay bibili sila ng bulalak.
“Gising na! Lunch date tayo mamaya? Treat ko na! basta buy tayo flowers at eucalyptus plants after,” pagtatapos ni Neri.
Ikinasal sina Neri at Chito sa isang civil ceremony noong 2014. Mayroon silang tatlong anak; sina Miggy, Cash, at Pia.

Basahin: Proud hubby Chito Miranda ikinuwento kung paano niligawan si Neri
Kamakailan ay ibinahagi ni Chito kung paano niya niligawan at napasagot noon ang kanyang asawa.
“Ako lang ang bukod-tanging nagpa-tawa sa kanya ng wa-poise,” anito. “Sinigurado ko na sobrang enjoy siya kapag kasama niya ko, para ma-miss niya ako kapag ‘di na niya ako kasama.”
