Sana All! Bagong kasal tatlong tseke ang natanggap na nagkakahalaga ng P1.3-M

‘Bumuhos’ ang biyaya sa bagong kasal sa Batangas matapos makatanggap ng tatlong tseke na may kabuuang halaga n P1.3 milyon.

Ibinahagi sa Facebook ni Angelica Calinisan Parec ang ilang larawan sa kasal nina Leziel and Julius Perea sa bayan ng Talisay kamakailan kung saan makikita rito na nakatanggap sila ng isang tseke na may halagang P100,000; isang nagkakahalaga ng P200,000 at ang pinakamalaki na P1,000,000.

Ang isang milyong tseke ay regalo umano mismo ng magulang ng bride.

Ginanap ang kasal sa San Guillermo Parish Church noong Huwebes, Disyembre 8, habang ang tradisyonal na ‘pasabog’ naman ay ginawa sa reception.

Ayon sa Facebook page na Batangas Connect, nagkaroon pa ng post-wedding celebration o ikalawang reception ang bagong kasal sa bayan  ng Laurel makaraan ang dalawang araw.

Nag-trending naman agad sa social media ang larawan ng mag-asawa habang hawak-hawak ang natanggap na tseke.

May kaniya-kaniya ring komento at reaksyon ang mga netizens na napa-sana all talaga:

“Sadya namang lagnat pag kinuhang ninang.”

“Wow parang nakalotto na din … Grabeh enjoy god bless.”

“Sana hindi sila kayang paghiwalayin ng cash at tseke.”

“Wow. . . ang lalaki ng mga regalo hayahay ang bgong kasal. ” Congratulations ” to both of u.”

“Kaya madami ng aayaw magpakasal sa mga taga batangas eh ang laki daw kasi ng gastos hahaha.”

“Congrats to both…papasana all na lang nga.”

Kilala ang karamihan sa mga Batangenyo sa pagiging magarbo at marangya kapag may okasyon lalo na kapag kasalan.

Gayunpaman, nilinaw ng ilan ding nagkomento na depende rin daw ito sa pamilya; kung may kaya naman ay talagang gagastos at kung wala rin talaga ay kahit simpleng handaan ay ayos na.

Post a Comment

Previous Post Next Post