Pasko na! Kabi-kabilaan na ang bigayan ng mga regalo at aginaldo lalo na sa mga inaanak o kaya’y mga paslit na umaasang maaanggihan ng kamag-anak o istranghero man.
Kaugnay sa Pasko, ang isang larawan na may hatid na aral na ibinahagi ng popular na personalidad na si Christian Albert Gaza o mas kilala bilang ‘Xian Gaza’ ay nag-trending sa social media.

Makikita ang closeup na larawan ng bagong coin na halagang bente na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas kapalit ng twenty-peso bills.
May paalala si Gaza sa kanyang makabuluhang post na isinama niya sa kanyang Nyeamentality album sa Facebook. “Turuan natin yung mga bata na maging grateful kahit gaano pa kaliit yung matanggap nilang aguinaldo. When you say “Kuripot ng ninang mo, anak! Bente lang! Nubayan!”. They will grow up as ungrateful kids who expect and demand more from other people.”
Aminin natin. Naririnig natin ‘yan sa ilang tao na naliliitan sa natatanggap ng kanilang anak mula sa ninong o ninang o kahit kamag-anak lamang. “Kuripot” ang bansag sa mga maliliit lamang magbigay.

Pagpapatuloy pa ni Gaza, “Ito yung Christmas environment na kinalakihan ng mga taong financially dependent sa kanilang mga kamag-anak. Na para bang obligasyon niyong lahat na buhayin sila.”
Nagpahayag ng payo ang negosyante na aktibo sa social media na kung tuturuan umano ang mga kabataan na maging mapagpasalamat sa lahat ng natatanggap at pagkakataon kahit gaano pa kaliit ito, lalaki ang mga bata na independent at hindi aasa sa pinagpaguran ng iba.
Aniya, “If you will teach the kiddos na maging grateful sa lahat ng pagkakataon no matter how small it is, lalaki silang independent without expecting any financial support from others.”
Umani na ng mahigit 70K heart at like reactions ang post niyang ito at lampas 71,000 na ang nag-share ng 20-coin message niya sa social media.
Sa comments section ay may nagbahagi rin ng saloobin:
Uyyy tapos may mga tao na habang tumataas ang antas ng pamumuhay tumataas din standards nila sa pamasko. 🙈 Yung magulang simangot, yung bata masaya na sa laruan / regalo eh.
Tugon dito ni Xian, “Correct. At kapag nangyari yung ganyang eksena taun-taon, yung mindset ng bata ay mag-iiba tapos yung parents lang din ang mamomroblema kasi grabe na yung demand ng bata sa kanila.”
Sa pagtigil ng pag-iimprenta ng 20-peso bill, may naglabas naman ng ang pao na pang 20-coins. ahaha Sakto!

