Masayang nakita muli ng mga fans si Andi Eigenmann at ang kanyang ina na si Jaclyn Jose sa Maynila sa gitna ng mga usap-usapang may tampuhan ang dalawa.
Sa Instagram, ibinahagi ng Siargao-based celebrity mom ang sunud-sunod na mga snap ng kanyang pagbisita sa lungsod kasama ang asawang si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak na sina Koa at Lilo, pati na rin si Ellie.
“Flew to Manila real qwik!” saad sa caption ni Andi.
Habang kumakain makikita ang mga larawan ng pagkikita nila ng kanyang mga kapatid na sina Stevie at Gabby Eigenmann sa isang mall.

Ang isa pang larawan ay nagpakita ng isang stolen shot ng kanyang panganay na anak na si Ellie na nakaupo sa tabi ng kanyang ina na si Jaclyn habang kumakain.
Sa comments section, nagpahayag ng kagalakan ang mga followers sa paggugol ni Andi ng oras sa kanyang ina.
“Happy to see na pinuntahan n’yo si mommy jacklyn.”
May isa pang nagkomento, “Awww reunited with your mom so happy for you all.”

“Wowwww with nanay !!!!!”
“I’m so glad to see Andie and her family with Ms. Jaclyn.. my heart is full coz I’m big fan of them. silently praying for the happiness of this whole fam.”
“Nakakatuwa ‘yung both side family walang toxic kaya always happy”
“Good to see you with your mom”

Matatandaan noong Nobyembre ay nababalitaang may tampuhan ang mag-ina nang mapansin rin ng mga netizen na hindi bumati ang aktres at si Philmar sa ika-58 birthday ni Jaclyn.
“Salamat! So much appreciated! luv you all…sana bumati si Andi Para mas complete. oh well..I am good salamat talaga sa effort sobra!,” komento ni Jaclyn sa kanyang post IG.
Napansin rin ito na nag-unfollow ang mag-ina sa Instagram sa isa’t-isa.
Sa wakas ay tila okay na talaga ang mag-ina. Iba kasi ang feeling kapag magkasundo at walang samaan ng loob ang bawat isa.