Trending topic sa social media ang bag na ibinandera ni Heart Evangelista sa Japan kamakailan na nagkakahalaga ng mahigit P20-M.
Umani ng sari-saring reaksiyon mula sa netizens ang luxury bag ni Heart na ipinakita niya sa kaniyang Instagram habang nasa Japan kasama ang kaniyang mister na si Chiz Escudero at ang dalawang anak ng senador.

Tumataginting na P20.6-M lang naman kasi ang halaga umano ng Hermès Birkin Faubourg bag ng aktres at tatlong celebrities lamang sa Pilipinas ang nagmamayari ng katulad na design kasama na si Heart – sina Vicki Belo at Jinkee Pacquiao.
Ayon sa Instagram user na si hjviyohj, napaka-rare at limitado lamang ang narelease na bag ng gaya kay Heart kaya lalong tumaas ang presyo nito sa market lalo pa ngayong umakyat ang inflation rate sa mundo.

“Due to it’s rarity and limited in pieces, the inflation in current market value has rocketing quadruple its original price. And you better get ome before it reaches the ballooning market value up to x10%,” paliwanag ni hjviyohj.
Kaniya-kaniya namang opinyon ang mga netizens hinggil sa napakamahal na bag ng Kapuso actress.

May mga nagsabing mayaman naman si Heart at pera nito ang ipinambili ng bag kaya wala nang pakialam ang ibang tao kung ano man ang kaniyang nais na bilhin.
Ang iba naman ay sinabing sobra-sobra nang karangyaan ang ipinakikita ng aktres at sana raw ay hindi na ito ibinandera sa publiko lalo pa ngayong maraming tao ang naghihirap.
Sana raw ay ginamit na lamang ni Heart ang kaniyang pera para ipantulong sa mga nangangailangan.

Narito ang ibang komento:
“It’s her money and she can buy the whole world. The only thing that people got bother with is the fact that they keep in Flaunting whatever they have. People don’t need to know it.”
“It’s not her problem kung marami nagugutom. Well she work hard for that. She deserves a gift for her self it’s not her responsibility to feed anyone. The fact that na meron siyang charity it’s enough.”

“That’s why she is well known socialite, her status makes her who she is and it’s very rare for a Filipino to be known in this industry. She’s well known abroad, even the rich like Ruffa, KC and among others, have not reached the same level as Heart.”
“Love Heart Evangelista so much. But a bag with that amount to buy is beyond. I guess that’s the difference between rich and poor. Love you still heart.”
Para naman sa iba, puwede na ring ituring na investment ni Heart ang kaniyang mamahaling bad dahil maaari itong ibenta sa mas malaking halaga sa mga darating na taon.