Ogie Diaz nag-post kaugnay sa mga umuutang sa kanya, 'Magkaroon ng hiya sa katawan'

Ang talent manager na si Ogie Diaz ay nag-post sa kanyang IG stories at nagbigay ng mensahe sa mga nanghiram sa kanya; gayundin sa mga nagbabalak umutang.

Mensahe ni Ogie sa lahat ng nakakaisip manghiram ng pera na huwag na munang mangutang sa kanya dahil sunod-sunod na ang gastos niya at nagbiro pa na muntik na siyang mag-callboy, ngunit napagtanto niya na bading nga pala siya.

“Wala muna pong uutang. Sunud-sunod po ang gastos. ‘Di nyo lang po naitatanong, muntik na po akong mag-callboy. Kaso, naalala ko, bakla pala ako, hindi pwede,” pabirong sinabi ng komedyante sa kanyang IG Stories na nag-expire na.

Aniya pa, nag-iipon din siya para sa kinabukasan ng kanyang mga anak. Tama naman! Dahil sa hirap ng buhay ngayon ay kailangan na talagang mag-impok upang may madukot sa oras ng pangangailangan.

“So nag-iipon po ako ngayon para sa future ng mga anak ko. Hindi lang po kayo ang may future. Mga anak ko din po,” dagdag pa ng showbiz reporter at talent manager.

Sa huli, nagbigay din siya ng mensahe sa mga nanghiram ng pera sa kanya noong nakaraang panahon.

“Dun naman sa mga may utang sa akin, utang na loob, gawin n’yong New Year’s resolution ang magkaroon ng hiya sa katawan!” sabi ni Ogie.

Basahin: Ogie Diaz nag-react sa mga nagsasabing tamang nag-anak siya upang may mag-alaga sa kaniya pagtanda

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Ogie tungkol sa mga natatanggap na komentong tama ang desisyon niyang magkaroon ng anak para may mag-alaga sa kaniya kapag matanda na siya.

“Maayos ko namang ipinaliliwanag sa kanila na hindi ako nag-anak para lang may umakay sa akin. Mas masarap pa ring sabihing, ‘Nag-anak ako kasi, gusto ko. Kasi, masaya ang may pamilya. Masarap na may matawag akong pag-aari ko kasi anak ko sila. At mas masarap isipin na ang goal ko ay ako pa rin ang aakay sa kanila kahit otsenta na ako,” aniya.

“Ibig sabihin, kahit 80 na ako, malakas pa rin ako. Ang katawan ko. Pag-iisip ko. Kaya pa ng emosyon ko ang kung anumang ire-react ko o gagawin ko sa mga kaganapan sa mga anak ko at mga kaapu-apuhan ko.”

Nilinaw rin niya na ayaw niyang umasa sa mga anak kapag matanda na siya kaya’t ang retirement funds ay kailangang pinaghahandaan din.

Post a Comment

Previous Post Next Post