Dimples Romana hindi awards ang motivation sa trabaho: 'Hindi 'yon ang gauge ng success'

Sa mahigit dalawang dekada niya sa industriya ng showbiz, naging malaking bahagi na ng pagkatao ng aktres na si Dimples Romana ang pag-arte, kaya naman talagang pinagbubutihan niya ang bawat proyektong ginagawa. Magka-award man o hindi, basta nabigyan niya ng hustisya ang role ay ikinatutuwa na niya.

dimples

Pagbabahagi ng aktres, para sa kanya ay hindi lamang awards ang sukatan ng tagumpay.

“Hindi ‘yon ang gauge ng success kasi,” wika niya sa ulat ng PUSH. “If they give it, okay. Kung wala, okay lang din. Walang kaso sa akin ‘yon. Ang importante for me, sa lahat ng mga ginagawa ko, palagi lang ibinibigay ‘yong best ko at kuntento na ako ro’n.”

Hindi rin siya naiinggit sa mga kasamahan sa industriya na nakakakuha nito.

“Wala, naku! Hindi kasi ako pinanganak na may inggit sa katawan. So, hindi ako ganun mag-isip. Magka-award? ‘Di rin, ‘di ako gano’n magtrabaho, as in,” aniya. “Para sa akin, if my family is doing well, at nagawa ko ang trabaho ko na hinihingi sa akin, okay na ‘yon. Kaya wala kayong makukuha sa akin na gano’ng feeling or inggit.”

Paniniwala ni Dimples, ito rin ang dahilan kaya nagkaroon siya ng maraming mabubuting kaibigan sa industriya, “That’s also the reason why I remained very good friends with many of my colleagues because nararamdaman nila na ‘di ako gano’n mag-isip.”

Nauna nang naibahagi ni Dimples kung gaano niya pinangarap at ipinanalangin na maging isang aktres noong kabataan niya.

“Ako ito, 12 years old,” saad niya sa caption ng isang throwback picture.”Puno ng pangarap, araw-araw nagdadasal, at may pusong handang matuto at makinig. The times then were different. I didn’t know a thing about being an actor. All I had was willingness and humility to learn and be better, every single day. That young lady is still in me. Never took any opportunity given to me for granted, always reminded myself to be good to everyone around me regardless of their position or status.”

Post a Comment

Previous Post Next Post