Isiniwalat ng influencer at commercial model na si Roselle Vytiaco ang ugnayan umano ng dating kasintahan niyang Kapuso actor na si Kelvin Miranda sa Kapamilya actress na si Kira Balinger.
Sa series of Instagram stories ni Roselle, inilabas nito sa publiko ang “resibo ng pagche-cheat” ng dalawa; ang mga screenshot ng conversations nila, kasabay ng anunsyo na nakipaghiwalay na sa kanya ang aktor sa kabila ng pagiging supportive niya sa karera nito.
“For context: Mayroon silang upcoming film. Sila ‘yong bida pareho. Ever since we started dating, I’m very open to our field of work kasi halos same kami na may nakakawork na iba’t ibang tao. Sa kanya nga may mga bed scene pa but full support ako sa kanya, as in never naging problem sa’kin. Minsan iisipin mo ako pa ‘yong artista kung magselos siya. Little did I know na takot lang siya sa sarili niyang multo,” saad niya.

Nitong Disyembre 23, kuwento ni Roselle, sa araw mismo na dapat nagdiriwang sila ng unang anibersaryo ay hiniwalayan siya ng nobyo.
“Nasa lock in siya December 11-21, so sabi niya bigyan ko lang muna siya space para makapag-focus sa trabaho. I did. ‘Di ko siya ginulo o kung ano man. Mag-uusap daw kami paglabas niya,” pagbabahagi nito.
“Hanggang sa December 23 na, nasa Baguio ako tapos doon siya nakipag-break. Pinuntahan ko siya from Baguio tapos dinu-dump na niya ako. Like all of a sudden, biglang ibang tao na siya. I already knew that he’s talking to someone pero benefit of the doubt kasi hindi naman daw siya ganoong klaseng lalaki. Long story short, inamin niya na hindi na daw siya attracted sa’kin at attracted na siya sa iba.”

Sa kalaunan ay isiniwalat din ni Roselle na ang bagong babae sa buhay ni Kelvin ay si Kira.

As of posting, wala pang statement mula sa mga kampo nina Kelvin at Kira.