Muling naging matunog ang pangalan ng Youtuber na si Donnalyn Bartolome matapos magbahagi ng opinyon tungkol sa mga manggagawang nalulungkot dahil balik-trabaho na matapos ang holiday season.
Paliwanag ni Donna sa isang Facebook post, dapat ay maging masaya sila na may pagkakataon silang pagandahin ang buhay ng kanilang pamilya dahil may trabaho sila.

“Bakit may sad dahil back to work na? Di ba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya? Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work,” sabi ni Donna.
Kung may mga empleyado naman daw na hindi masaya sa kanilang trabaho, sana raw ay makahanap sila ng oportunidad na magpapasaya sa kanila.
“If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!”

Samu’t sari ang naging reaksyon ng mga netizen sa post na ito ni Donna. May ilang sinabing naiintindihan nila ang punto ng content creator.
“So true! You are blessed because you have a job. Unlike ung iba hindi makapagwork for some reasons… So be grateful,” sabi ng isang netizen.
Samantala, may ilan naman na nagpaliwanag na ang pagiging malungkot sa pagtatapos ng bakasyon ay hindi naman nangangahulugang hindi nila pinahahalagahan ang kanilang trabaho.

“Being sad does not imply being ungrateful. Some have to go back to work, and some only get to see their family on weekends or holidays. People can be sad AND grateful at the same time,” komento ng isang Facebook user.
“Sad, kasi yung iba sa atin holidays na lang pahinga. Ine-express lang nila yung pagod nila, na sana mas mahaba pa ang pahinga. Does not necessarily mean na ungrateful sa work. Sa kabila ng lahat ng pagod magkano lang ang kapalit. Di lahat same ng opportunities. Di lahat nakakahanap ng work kung saan ‘kikiligin’ ka,” sabi naman ni M. Viven.
Ano’ng pananaw mo rito?