Rosmar Tan, may pa-'nose reveal'; proud na isinapubliko ang pagpapatangos ng ilong

Isinapubliko ng CEO ng beauty products company na si Rosmarie Tan Pamulaklakin ang kanyang journey sa kaniyang pagpapatangos ng ilong.

Bumwelta ito sa kanyang mga bashers na nagsasabing matagal na itong nagparetoke.

“Para sa mga nagsabing retokada ako noon, pahiya kayo, ngayon lang,” aniya sa kanyang caption sa video.

Ipinaliwanag din niya na glow up lang umano ang malaking pagbabago sa kanyang mukha. Kumalat kasi ang balita noon na nagparetoke ang CEO dahil malaki ang pagkakaiba ng mukha nito noon kumpara sa ngayon.

“Kaya sa mga nanghusga sakin noon na retokada ako, mamaya malalaman niyo na mali kayo. Hahaha glow up lang po talaga ‘yan lalo pag napunta sa tamang tao, maalaga at mapagmahal, na ‘di ka ma-stress sa buhay.”

Bago ang kanyang pagpapatangos ng ilong ay ipinost niya muna ang huling sandali sa natural niyang ilong.

“Mamaya mas matangos ka na. Last selfie with my natural nose. Mamaya avatar na ako hahaha. Update ko kayong lahat ‘wag kayo mag-alala, kasama kayo sa journey ko sa buhay kaya dapat lang na updated kayo lalo na ‘yung mga marites dyan.”

Dagdag pa nito ay ia-announce nito ang kanyang pagpaparetoke.

“Sabi ko naman sa inyo pag nagparetoke ako i-announce ko, hahaha mahirap kasi umamin noon kung ‘di naman totoo binibintaaang niyo hahaha.”

Nang matapos ang kanyang rhinoplasty, makaraan ang ikaapat na araw ay ipinasilip na nito ang kanyang ‘nose reveal’ na isinagawa ng S&J Cosmetic Surgery Clinic.

Aniya, “‘Di ko kayo maintindihan, pinost ko na nagparetoke ako ng ilong kasi kasama kayo sa journey ko sa buhay, kahit ‘di pa magaling kailangan ko mag-live sa tiktuuuuuk! Pinost ko para alam niyo na ngayon lang ako nagparetoke at nagkakamali kayo noon. Hahaha tapos ngayon sasabihin n’yo “last session ko ngayon ng rhino ‘yung dati ‘di ko inamin” “matagal na akong nagpa-rhino.”

Proud naman ang CEO sa kinalabasan ng pagpapatangos niya ng ilong.

Post a Comment

Previous Post Next Post