'Never knew I could love like this': Jessy, Luis Manzano proud parents kay Baby Isabella Rose

Nag-baby reveal na ang celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano!

Sa kanilang Instagram accounts ay proud na ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang bagong silang na bundle of joy na pinalayawan nilang Baby Peanut sa kanilang mga vlogs.

“I never knew I could love like this,” paunang salita ni Jessy sa kanyang ibinahaging larawan sa Instagram kung saan ay may pasilip sa anak na nakahawak sa kanyang daliri.

“My little Rosie,” dagdag pa niya na sinamahan pa ng rose emoji sabay pagpapakilala sa anak; “Isabella Rose Tawile Manzano.”

Samantala, si Luis naman ay nagtungo rin sa kanyang IG account para ipakita ang larawan nilang mag-ama habang buhat niya ang kanilang panganay. Aniya, “Hi Peanut  (heart emojis)   Isabella Rose Tawile Manzano.”

Binati pa nila ang isa’t isa sa comments section, “Hi, Mama,”  sabi ni Luis, at nag-“Hi Papa” nanan si Jessy sa post ng asawa.

Maraming bumuhos na pagbati sa new parents, kabilang na ang kanilang celebrity friends, tulad nina Mariel Padilla, Gary Valenciano, Karla Estrada, Iza Calzado, Angeline Quinto, Lara Quigaman, Anne Curtis, Vina Morales, Alexa Ilacad, at marami pang iba.

Siyempre, nagpaulan din ng heart emojis si Alex Gonzaga sa post ng kanyang kwelang kuya Luis, na sinagot naman ng huli ng “@cathygonzagahi tita!!”

Ilan lamang sa pagbati na kanilang natanggap:

“Hello Isabella! Congrats mom and dad.”

“Awwwww. Congratulations Jessy and Kuya. Hello Peanut (heart emojis).”

“OMG congratulations to both of you. Welcome to motherhood.”

“So so so so happy Luis !!!!! Wow!!!!!!”

“Happinessssssss! Congratulations @luckymanzano and @jessymendiola! Hiiiiii Isabella Rose! Can’t wait to meet you soon!”

Basahin: I’m so excited! Momsy Vilma Santos, handa na sa pagdating ng apo; may payo kina Luis at Jessy

Kaabang-abang rin ang reaksyon ni Momsy Vilma Santos-Recto na inihayag din ang kanyang excitement sa kanyang panibagong status in life bilang lola.

“As a first time lola, super excited talaga ako sa paglabas ng aming baby Peanut soon! <3  Siyempre marami akong tanong sa parents ng aming baby, and they have questions for me also. 🙂   Gaano ko kaya kadalas mahihiram si baby Peanut?” aniya sa nakaraang vlog kasama sina Luis at Jessy.

Panoorin ang kanilang latest vlog kung saan tinour nila ang followers nila sa room ni Baby Peanut aka Baby Isabella Rose:

Post a Comment

Previous Post Next Post