Kabilang ang Team Dantes o ang pamilya ng Kapuso royalties na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa mga showbiz family na talaga namang hinahangaan ng marami.
Ano nga ba ang kanilang secret to a happy marriage?

Sa isang recent Updated with Nelson Canlas Spotify podcast, ibinahagi ni Marian ang sikreto sa walong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa: communication. Kahit parehong abala sa mga trabaho nila at sa pag-aalaga sa mga anak na sina Zia at Ziggy, tinitiyak daw ng dalawa na nakakapag-usap pa rin sila para maging updated at mas maunawaan pa ang isa’t isa.
“Palagi kasi kaming may heart-to-heart talk ni Dong, e, ‘tsaka palagi kaming may update kung ano ang nangyari sa aming dalawa. Very open kami sa lahat ng bagay,” kuwento ng aktres.
Sinisigurado raw nila na nakapagde-date pa rin sila at hindi nawawalan ng oras sa isa’t isa kahit sobrang busy pa.
“Lahat naman, kung gusto talaga, may paraan, e. So talagang pinag-usapan namin ni Dong no matter what happens gaano man kami ka-busy, dapat talaga palagi kaming may time sa isa’t isa,” aniya.

Pagpapatuloy ng aktres, sa paraang ito ay mas nagkakasundo rin silang dalawa, mas naiintindihan nila ang kanilang priorities at kung paano magme-meet halfway.
“Kailangan din talaga ng give and take, at mahalagang naiintindihan mo ang trabaho ng asawa mo at ganu’n din siya sa akin, kung ano ang priority niya sa priority ko. At ang maganda niyan, nagkakasundo kaming dalawa sa mga bagay bagay na gusto naming iprayoridad,” saad ng Kapuso Primetime Queen.

Samantala, dagdag na payo ni Marian sa mga magkapareha, huwag daw mag-hold back sa pagbibigay ng pagmamahal sa kanilang other half.
“Kung kaya mo pa ngang higitan ang pagmamahal ng partner mo mas maganda. Kasi mas maganda na gini-give mo lahat para mas maramdaman niya, lalo na kung asawa mo. Dapat wala talagang hold back, kailangan you give everything for them,” dagdag ni Marian.
Disyembre 30, 2014 nang ikasal sina Marian at Dingdong sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City.