Pinagpipiyestahan ngayon ng mga ‘Marites’ ang hiwalayang McCoy de Leon at Elisse Joson matapos umamin kamakailan lamang ang dating Hashtag member tungkol dito.
Higit sa lahat, naintriga rin ang maraming netizens kung sino si Mary Joy Santiago, ang babaeng iniuugnay kay McCoy at itinuturong dahilan diumano ng paghihiwalay ng dalawa.

Kaugnay nito, isang netizen naman ang nagbahagi ng mga screenshot ng pag-uusap raw ng kaniyang pinsang babae na dating kaklase umano ni Mary Joy.
Hindi naman kumpirmado kung ito nga ang babaeng nali-link kay McCoy subalit makikita sa screenshot na ang pangalan nito ay Mary Joy at ang profile picture ay hawig-na hawig sa nasa Facebook account ng huli.

Batay sa mga screenshot na ibinahagi ni Merrie Lette sa kaniyang Facebook post na may caption na ‘HOTTEST UPDATE ABOT HANGGANG UAE’, mababasa rito na nabanggit nga ang pangalan ni McCoy.
“You’re obviously jealous. Di mo pa siguro na-try i-message kahit isa sa mga sikat or artist,” ayon sa chat ni Mary Joy.
“Paganda ka muna. And btw, baka sabihin mo din kabit ako e. BREAK NA SILA BAGO KAMI MAG-USAP NI MCCOY, OK?” ayon pa dito.

Maliban kay McCoy, nabanggit din ang pangalan ng isang ‘Yawi’ na hindi tiyak kung ang tinutukoy niya ay ang esports player na si Tristan Cabrera, na mas kilala bilang Yawi.
“O btw si yawi nagchachat din saken yun, gsto mo refer kita? For experience? Kaso di ka magugustuhan nun,” saad sa chat.
Kamakailan lang din ay inakusahan si Yawi ng kaniyang girlfriend na si National University volleyball player Jennifer Nierva ng diumano’y panloloko at pangangaliwa.

Samantala, kinumpirma na ni McCoy sa isang Instagram story na tapos na nga talaga ang relasyon nila Elisse Joson.
Subalit iginiit ng aktor na walang sangkot na ibang babae o third party sa kanilang hiwalayan at wala rin daw katotohanan ang kumakalat na screenshot ng pakikipag-usap niya kay Mary Joy.
“Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko.”

Hanggang ngayon ay nananatiling tikom pa rin ang bibig kapwa nina Mary Joy Santiago at Elisse Joson tungkol sa kontrobersiyang ito.