Nagulat ang mga followers at mga kaibigan ng aktres na si Liza Soberano sa pagkawala ng kanyang mga posted na larawan sa kanyang official account sa Instagram. Anyare?
Makikita ang blangko niyang account kung saan ay may 17.6M followers siya.

Pinag-uusapan ngayon ang nakapagtatakang pangyayari sa IG account ng 25-anyos na aktres na kasalukuyang nananatili muna sa America dahil sa bagong career path na tinatahak nito.
Basahin: Liza Soberano nag-ala Miss Universe, hirit ng netizens puwede nang sumabak sa pageant
Napuna ng netizens na tanging ang mga tagged photos na lamang niya ang nabubuksan pa. Nagsulputan tuloy ang samu’t saring ispekulasyon na baka may pinagdadaanan ang aktres o kaya’y may problema sa kaniyang lovelife na syempre kakabit si Enrique Gil. Mayroon din namang nag-aalala na baka na-hack ang account ng magandang dalaga.
Wala pang inilalabas na pahayag si Liza kaugnay dito as of writing kaya marami pang nag-aabang sa updates.
Gayunman, mayroong tweet mula sa handle na @Lizagallery na nagsasabing “apparently, miss Liza Soberano’s Instagram account was hacked. i hope the team is working and they can recover it.” : ((
Dagdag pa rito, “whoever did this, you deserve to rot miserably. and i meant no jail, but hell.”

Samantala, ang kasintahan niyang aktor na si Enrique Gil – since 2014 pa sila, ay kasalukuyang nasa courtside ng Salt Lake City sa Utah para sa 2023 NBA All-Star Game, ayon sa mga ulat.
Sa isang TikTok video ng NBA Philippines ay makikita si Enrique na nakasuporta sa Team Lebron.
“For tonight, I’ll be going to Team Lebron. You know his record, he never lose an NBA All-Star game so I think he’s keeping it in this year’s baby,” aniya.
Sa Twitter ay may nagbahagi ng isang video kung saan ay tinanong si Gil kung siya ay single.
“Yumyum good truck: “Enrique! Someone is asking if you are single?”
Quen: “No I’m not.” #QuenNBAAllStar
Malinaw. Still in a relationship.
